Ang Pagbabautismo sa Pamamagitan ng Nagliliyab na Apoy ni
Pastor Yong-Doo Kim Aklat #1 doc #2 #3
Makikita natin sa mga pahinang ito ang mga pinaka-pambihirang pagpapahayag ukol sa pakikipagdigmang espiritwal. Ito ay magdadala ng matinding pagkagulat sa buong mundo, at magpapabagsak sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan. Ang iba’t ibang pagkakakilanlan ng diablo ay isisiwalat, at ipinapakita rin ditto na
inihahanda na ng Panginoon ang Kanyang hukbo sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng mga bago at makapangyarihang sandatang maaaring gamitin laban sa kaaway. Ang mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito ay nagdadala ng bilyong katao sa impiyerno, at sila ang humahadlang sa bawat
aspeto ng Iglesia; sa pagbabahagi ng Ebanghelyo, sa pagmimisyon, sa pamamagitan sa panalangin (intercession), sa pagsamba, sa pagtulong sa kapwa, at iba pa. Ayon sa parabola ni Jesus, ang kaaway ay naghasik ng mga mapanirang damo nang dumating ang gabi, habang natutulog ang lahat. Makikita natin ang kahalagahan ng
Nighttime Unified Warfare Intercession (NUWI)--sama-samang pakikidigma sa espirituwal sa pamamagitan ng gabi-gabing pananalangin—sa pakikipaglaban at pagsalansang sa mga plano ng kaaway laban sa atin. Tunay ngang ang pagkawari, pagkaunawa at pagkakilala sa espirituwal (na kaloob ng Banal na Espiritu) ay talagang
nagwawasak sa kaaway; inaaalis ang kanyang kakanyahang magtago at manlilinlang; isinisiwalat ang kanyang mga pagkakakilanlan, posisyon, mga taktika sa panlilinlang at pagkukunwari. Ang kapahayagang ito ay makatutulong sa Iglesia na matutunan na bukod sa pagsalag sa mga gawa ng kaaway, maaari rin tayong gumawa ng
kaparaanan sa tulong ng Panginoon para sumugod at kalabanin ang mga gawa ng kaaway.
|