Kaya tumulak kami dala ang aming mga tabla
sa alon o ‘surfboard’ sa aming mga kili-kili. Lumipad muna kami patungong
Sydney, Australia at pagkatapos naglayag kami sa aming daan pataas ng Silangang
Baybayin o East Coast ng Australia sa Surfers Paradise. Kami ay naglakbay
ng may konting daladalahan at tumitira sa pinaka murang tirahan na aming
makikita, habang ginugugol namin ang aming mga araw sa panghuhuli ng magandang
mga alon sa Dee Why, Fosters, Lennox Heads, Byron Bay sa Burleigh Heads.
Nagpasya kaming makisakay pataas sa mga
lugar ng maiilap patungong Darwin, na isang mapusok na karanasan kung sasabihin
nating may kababawan.
Nagpatuloy kami sa Bali, Indonesia, na
kung saan kami ay sumakay sa alon sa Kuta Reef, pagkatapos nakipagsapalaran
kami sa pagsakay sa alon sa Uluwatu, isang kahanga-hangang kaliweteng batuhang
babaw (reef) na batong-dagat. Bumisita rin kami sa ilang templo ng mga Hindu
at Buddhist bago kami magpatuloy sa paglalakbay sa lupa tagos sa Java.
Sa aming paglalakbay sa Asia ang mga tao
ay malimit na nagtatanong sa amin kung kami ay mga Kristiyano, sa palagay
nga nila dahil puti ang aming mga balat. Ang tanong ay humamon sa akin dahil
ako ay pinalaki sa isang Kristiyanong pamilya, subalit hindi ako sigurado
kung dapat kong tawagin ang aking sarili na isang Kristiyano.
Ako’y
lumaki bilang isang Anglican at sa gulang na 14 na taon ako ay kinumpilan
sa simbahan. Malimit akong manalangin noong bata pa ako at tumungo sa Sunday
School o Panglingguhang Gawain at grupo ng kabataan, subalit kailanma’y
di pa ako nagkaroon ng ang isang personal na karanasan sa Diyos.
Naalala ko ang araw matapos akong kumpilan
at walang pag-asang ako’y papalabas ng simbahan. Tila baga walang nangyaring
anuman. Kaya tinanong ko ang aking nanay kung minsan nangusap na nang personal
ang Diyos sa kanya. Ang aking nanay ay lumingon sa akin at nagsabi, “Ang
Diyos talaga ay nangungusap at siya ay tunay”. Ibinahagi niya kung papaano
siyang pumalahaw ng iyak sa Diyos sa isang panahon ng trahedya at siya ay
tinugon Niya. Kaya tinanong ko sa kanya bakit hindi pa nangungusap ang Diyos
sa akin. Tumugon siya, “Kalimitan kinakailangan ng trahedya o masamang pangyayari
upang tayo ay magpakumbaba. Ang tao ay may likas na pagiging mayabang”.
Ako ay sumabat “Hindi ako ang ganoong klase ng tao, hindi ako mayabang”.
Subalit nang salaminin ko ito, ako nga pala talaga ay mayabang.
Sabi ng nanay ko, “Hindi kita pipiliting
dumalo sa simbahan. Subalit tandaan mo ang isang bagay na ito. Anuman ang
iyong gawin sa buhay, saan ka man pumunta, gaano ka man napalayo sa Diyos,
tandaan mo ang isang bagay na ito; kung ikaw ay malagay sa panganib at pangangailangan,
umiyak ka sa Diyos mula sa iyong puso, at pakikinggan ka Niya. Tunay na
pakikinggan ka Niya at patatawarin ka.” Naalala ko ang mga salitang iyon.
Talagang nanatili sila sa aking isipan. Subalit ako’y nagpasya na sa halip
na maging mapagpaimbabaw hindi na ako babalik sa simbahan dahil hindi naman
talaga ako nagkaroon ng isang karanasan sa Diyos. Ito ay para lamang isang
relihiyon para sa akin
Ang aking kaibigan at ako ay patuloy na
naglakbay pataas patungong Java, Singapore, Tiomen Island at sa Malaysia.
Pagkatapos ang aking kaibigan ay nagpasya na lumulan sa isang maliit na
barko patungong Madras, India, habang ako naman ay naglakbay patungong Colombo,
Sri Lanka kasama ang isang Dutch na babae na aming nakilala.
Nang kami ay naroon na, gumawa ako ng
paraan na umakyat patungo sa dalampasigan upang sumakay sa alon sa Arugum
Bay. Makalipas ang isang buwan sa mga kamangha-manghang mga alon ang aking
visa (pahintulot manatili sa isang bansa) ay nauubos kaya ako ay bumalik
sa Colombo.
Ako ay nakipagkaibigan sa ilang mga Tamil
na nagdala sa akin sa kanilang Hindu Temple sa bayan at pagkatapos sa tagong
lungsod ng Katragarma. Habang ako ay nasa ‘banal’ na lungsod na ito naranasan
ko sa unang pagkakataon ang higit sa natural na karanasan. Ako ay nakatitig
sa isang rebulto at nagpasimula kong makita ang kayang mga labi ay gumalaw.
Ito ay isang karanasang labas sa aking lugar ng kaaliwan (comfort zone)
at ginusto ko kaagad na umalis.
Habang lumilisan ako kasama ang aking
mga tinuluyan napansin ko na sa bawat araw ay naghahandog sila ng pagkain
sa pambahay na diyus-diyosan ang elepantent diyos na si Garnesh. Ilang mga
araw dinaramtan nila ito, sa ibang mga araw pinaliliguan nila sa gatas o
tubig. Para sa akin tila kakaiba na sampalatayanan ng isang tao ang isang
diyus-diyosang bato bilang isang diyos, na halata namang may taong gumawa
nito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Isang araw tinitignan ko ang estatwang
bato naramdaman ko na isang masama na makapangyarihang presensya ang lumalabas
mula rito at naramdaman kong ako’y naduwag. Pagkatapos ang mga salitang
ito ay ay dumating sa aking isipan, “Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos
maliban sa Akin at huwag kang yuyukod sa anumang nililok na mga imahen o
diyus-diyosan.” Pagdakay natanto ko na ito ay isa sa Sampung Utos at nagpasimula
kong pagbulaybulayan ang mga salitang ito na malaon ko nang napakinggan
sa Sunday School o Panglingguhang Paaralan.
Sa sarili kong kaparaanan hinahanap ko
ang ‘kahulugan ng buhay’. May pagkakataon na hindi ako naniniwalang may
Diyos at sa ibang pagkakataon naman isang ‘malayang nag-iisip’. Nais kong
maranasan ang bawat bagay na maiaalok ng buhay. Sa mga panahong iyon hindi
ako nagsusuot ng relo…namumuhay ako sa lugar na walang oras ng mga pagsikat
ng araw at mga paglubog nito.
Nang ako ay bumalik sa Arugam Bay nakamtan
ko ang isang puesto bilang tripolante sa isang 96-piye bangka na ang tawag
ay “Constellation”. Naglayag kami mula sa Sri Lanka sa gitna ng gabi patungong
Africa. Pagkalipas ng dawampu’t anim na araw dumating kami sa panganlungan
ng Port Louis sa paraisong isla ng Mauritius.
Habang na sa islang ito humantong ako
sa Tamarin Bay namumuhay kasamang nakikipamuhay sa mga katutubong mangingisda
ng Creole at mga sumasakay sa alon. Tinanggap nila ako sa kanilang mga buhay
at tinuruan akong sumisid sa gabi sa higit na labas na batuhang-babaw (reefs).
Ang pagsisid sa gabi ay isang di kapani-paniwalang karanasan. Ang banagan
(crayfish) ay sa gabi lumalabas at mabubulag mo sila sa pamamagitan ng iyong
pangtubig na lente (flashlight) at madadampot mo na lamang sila. Ang mga
isda ay natutulog sa gabi at kailangan mo lamang pagpasyahan kung sino sa
kanila ang gusto mong panain para ipang hapunan.
Matapos akong magpasasa sa pagsakay sa
napaka tulin na alon sa Tamaring kaliweteng batuhang-babaw nauubusan na
ako ng pera. Kaya tumungo ako sa Timog Africa nakasumpong ako ng trabaho
sa pagtuturo ng pagsakay sa alon (surfing) at pagpapadulas sa ibabaw ng
tubig (water-skiing). Nakakatuwa na talagang binayaran nila ako para gawin
ito! Ako’y sumakay sa alon sa Jeffreys Bay at Elands Bay at binisita ang
ilang kilala sa buong mundo na pangalagaan ng mga hayop.
Ang aking nasa ay maglakbay sa lupa daraanan
ang Africa patungong Europe subalit ang aking mga plano ay lubusang nabago
nang marinig ko mula New Zealand na ang aking nakababatang kapatid na lalake
ay nagpaplanong mag-asawa. Gusto kong naroon sa kanyang kasalan kaya nagpasya
akong bumalik sa New Zealand daraan sa Reunion Island, Mauritius at Australia.
Sa aking paghimpil sa Reunion nakakita
ako ng isang kagila-gilalas na surf break o palaruan sa alon na tinatawag
na St Leu na kung saan nakamtan ko ang ilan sa malalaking mga alon para
sa aking sarili. Ito ay Marso 1982 at ako ngayon ay naglalakbay na nang
kulang-kulang na dalawang taon, kalimitang natutulog ako sa isang kubol
sa mga tabing dagat at namumuhay na gaya ng isang taong lagalag.
IKALAWANG KABANATA – ANG
DIKYANG KAHON
Ang lahat ng mga araw na itinakda para
sa akin
Ay nakasulat sa iyong aklat
Bago pa ang isa sa kanila ay nalalang.
-Psalm 139:16 (NIV)
Bumalik akong uli sa Mauritius para sa
ilang linggo, ako ay umupa ng isang bahay at muling bumalik sa aking pagsasakay
sa mga alon at pagsisid sa gabi. Doon ko nakatagpo ang aking mga kaibigang
Creole na silang nag-imbita sa akin na manisid. Ako ay dapat bumalik sa
New Zealand isang linggong nakalilipas, hinilingan nila ako na pumaroong
muli sa pagsisid sa gabi. Ako ay lumabas sa aking balkon kagaya nang malimit
kong ginagawa at nakita ko ang isang malaking bagyong may taglay na mga
kidlat rumaragasa sa karagatan. Lumingon ako sa aking kaibigang si Simon
at nagtanong “Sigurado ka ba? Nakakita ka na ba ng bagyo?” Ako’y nangangamba
na magdulot ng malalaking alon ang bagyo sa batuhang-babaw (reef) at maging
mapanganib. Subalit sumagot si Simon “Ito’y magiging maayos, hahayo tayo
pababa nang may limang milya mula sa pampang sa isang napaka gandang bahagi
ng batuhang-babaw upang sumisid ngayong gabi, ika’y talagang mamamangha
kung gaano ito kaganda.”
Sa bandang huli talagang na inganyo niya
ako para rito. Noo’y bandang 11 ng gabi. Dinala ko lahat ng aking mga kasangkapan,
lumukso sa bangka at kami’y humayo. Sinagwan namin pababa sa pampang at
tila kalahating milya mula sa talagang isla. Kami ay nasa mas loob ng lawa,
at kami ay sumisisid sa mas labas na bahagi ng batuhang-babaw, na kung saan
ito ay matarik na palalim.
Kami ay sumisid paloob. Ako ay umakyat
sa batuhang-babaw at ang aking dalawang kaibigan ay pumunta pababa sa batuhang-babaw
(reef). Kalimitan kami ay nagsasama-sama ngunit sa ilang kadahilanan kami
ay nagkahiwalay. Ako’y naghahanap ng banagan (crayfish) nang ako ay makakita
ng ilang kakaibang nilalang sa tubig na mukhang isang pusit. Mausisa, ako’y
lumangoy papalapit dito at tunay na inabot ko ng aking kamay at dinakma
ito. Suot-suot ko ang aking guwantes at ito ay umaalpas sa pagitan ng aking
mga daliri tulad ng isang dikya. Pinagmamasdan ko ito habang ito ay lumulutang
papalayo, na intriga ako sa dikya na ito na lubhang kakaiba ang itsura.
Ito ay nagtataglay ng tila baga ulo ng pusit, subalit ito ay hugis kahon
at ito ay mayroong kakaibang daliri kagaya ng mga galamay. At ito ay walang
kulay. Hindi pa ako nakakita nang ganoong uri na dikya, subalit ako ay tumalikod
papalayo rito at nagpatuloy ako sa paghahanap ng aking banagan.
Dala ko ang aking lente na nagliliwanag
sa may batuhang-babaw, hinahanap ang aking huli, nang may tumusok sa akin.
Pumihit ako upang tignan kung ano ito. Suot ko ang maikling manggas na damit
pangtubig, kaya ang tanging bahagi ng aking katawan na di natatakpan ng
aking damit pang tubig ay ang aking mga braso. Mayroong isang bagay na dumaan
sa akin at tinusok ako taglay ang isang di kapani-paniwalang yanig. Tulad
ito ng pagtayo sa isang kulungan ng baka na may basang sahig na wala kang
sapatos at nakapatong ang iyong kamay sa pinagmumulan ng kuryente. Ito talaga
ay isang nakayayanig na dagok . Ako ay napaatras mula rito, at sinikap kong
hanapin kung ano iyon o kung nasaan na iyon sa pamamagitan ng aking lenteng
pangtubig, subalit hindi ko makita kung ano ang nakatama sa akin.
Marahil may isang bagay na kumagat sa
akin, o nasugatan ko ang aking sarili sa mga batuhang babaw. Tinignan kong
pailalim ang aking braso upang makita kung may dugo, subalit wala naman.
Basta isang kumikirot na sakit. Hinaplos ko ito, na naging isa sa pinaka
masaklap kong ginawa. Sa mga oras na ito ang sakit ay tila baga namamanhid
na nang konti kaya pinabayaan ko ito at inisip na, “Huhuli ako ng isang
banagan at ako ay babalik at tatanungin ang bata sa bangka kung ano iyon”.
Ayaw kong maghinala ng labis. Kapag ika’y isang maninisid, hindi ka dapat
talagang masiraan ng loob.
Kaya umalis ako upang kunin ang isang
banagan. Habang ako ay sumisisid muli kong nakita itong maliliit na dikya
na katulad nang nakita ko ilang minuto ang nakalilipas. Dalawa sa kanila
ay marahang umuusad papalapit sa akin. Mula sa sulok ng aking mata nakita
ko ang kanilang mga galamay pumunas sa aking braso. Sa kanilang paghipong
ito, magkatulad na yanig ng kuryente ang dumaloy sa aking braso. Talagang
nayanig ako sa ilalim ng tubig. Bigla kong natanto kung ano ang nakatama
sa akin!
Nalaman ko mula sa aking pangsagip-buhay
na karanasan na ilang dikya ay di kapanipaniwalang makamandag. Bilang isang
bata nagkaroon ako ng lagnat at mga masamang reaksyon o ‘allergic reactions’
na kung ako ay matusok ng isang bubuyog sa aking binti ito ay mamamaga na
lamang gaya ng isang lobo. Ngayon nararamdaman kong ako ay nangangamba dahil
dalawang beses na akong natusok sa magkahiwalay na pangyayari ng mga dikyang
ito. Ako’y lumangoy pa- ibabaw at itinaas ang aking ulo upang makita ang
bangka. Kaya ko lamang marating pababa sa batuhang babaw. Inilagay ko ang
aking braso sa likuran ng aking likod upang makalabas sa tubig. Ayaw ko
nang matusok pang muli. Habang ako ay lumalangoy na tulad ng ganoon naramdaman
kong may dumulas sa ibabaw ng aking likuran at pagkatapos isa pang yanig
ang aking naramdaman sa ibabaw ng aking braso Luminga-linga ako palibot
nakita ko ang mga galamay naglalaglagan. Natusok ako ng pangatlo!
Nilagay ko ang aking lente pabalik sa
tubig upang mapanatili ang aking mata sa batuhang babaw at ang ilaw ng aking
lente nagtungo derecho pababa sa isang grupo ng dikayang ito. Naisip ko,
“Kung isa sa mga ito ay tamaan ang aking mukha, sa palagay ko hindi ko na
kayang bumalik sa bangka”. Kaya nilagay ko ang lente pataas malapit sa aking
mukha at lumangoy. Balik sa bangka, tinanong ko ang batang lalake sa aking
pinakamahusay na French at Creole, kung alam niya kung ano ang mga dikya.
Hindi niya alam dahil hindi naman siya isang maninisid, iniling-iling na
lamang niya ang kanyang ulo at itinuro ang aking kaibigan na Simon na nasa
tubig. Kaya ako’y muling bumalik sa tubig at lumangoy patungo sa kanya.
Nakikita ko siya sa ilalim ng tubig, kaya
itinapat ko sa kanya mukha ang aking ilaw upang makuha ang kanyang pansin.
Siya ay umahon sa ibabaw, at sinabi ko sa kanya “gusto kong umalis”. Nilagay
ko ang aking ulo sa tubig upang lumangoy pabalik sa bangka at sa harap ng
aking mukha mayroon na namang dikya sumasalakay sa akin. Kailangan kong
pumili, tatamaan ba nito ang aking mukha o tatanggapin ko na lamang ito
sa ibabaw ng aking braso. Kaya itinaas ko ang aking braso at tinanggap ang
isa pang tusok sa ibabaw ng aking braso. Itinulak ko na lamang ang dikyang
iyon papalayo at ako ay sumampa sa ibabaw ng batuhang babaw.
Dalawang piye ang tumatakip sa talagang
batuhang babaw. Tumindig ako roon suot ang aking gamit sa paa at tinignan
ko ang aking braso, na talagang namamaga tulad ng isang lobo na may mga
sugat paikot sa ibabaw ng balat tulad ng sugat sa sunog. Ito’y parang ako’y
nasunugan sa isang kalan, sa ibabaw na kung saan ang mga galamay ay hinila.
Habang ako’y nakatingin dito ang kaibigan
kong Simon ay dumating naglalakad sa ibabaw ng batuhang babaw sa kanyang
gamit sa paa papalapit sa akin. Nakasuot siya ng kumpletong damit pang tubig
at hindi naka salubong ng dikya. Tinignan niya ang aking braso, at pagkatapos
tinignan niya ako. Nagtanong siya, “Ilang beses? Ilang beses kang natusok?”
Ako’y sumagot, “Apat sa palagay ko.” Sabi niya, “Hindi nakikita? Ito ba
ay kulay salamin?” Tumugon ako, “Oo, mukhang hindi nakikita.” Binitin ni
Simon ang kanyang ulo pababa at nanumpa. Sabi niya “Isang tusok at tapos
ka na, isa lang!” Itinaas niya ang kanyang lente sa kanyang mukha at nakikita
ko nakasulat doon ang panganib ng aking kalagayan. Sabi ko “Mabuti, ano
ang ginagawa ko sa apat nila sa ibabaw ng aking braso pagkatapos?”
Si Simon ay natataranta, at ako ay natataranta
dahil siya ay sumisisid na sa mahigit na dalawampung taon at alam ang tungkol
sa mga dikyang ito. “Kinakailangan mong pumunta sa ospital.” Sabi niya,
“Allez, allez, vitement.” Ang pangunahing ospital ay 15-20 milya ang layo,
ito ay hating gabi at ako may kalahating milya ang layo sa batuhang babaw.
Naririnig ko siyang nagsabi ng ‘alis’ subalit pakiramdam ko’y paralisadong
nakatayo roon. Sinisikap niya akong makabalik sa bangka. Habang hinihila
niya ako, natanto ko na ang aking kanang braso ay walang pakiramdam o paralisado
at hindi ko ito kayang itaas sa mula sa tubig. Sa puntong ito ako ay natusok
nang panglimang beses.
Sa aking puso naisip ko, “Ano ba ang ginawa
ko upang kamtan ito?’ Pagkatapos nagkaroon ako nang pagbabalik alaala sa
aking kasalanan. Naunawaan kong bigla kung ano ang ginawa kong mali. Mayroong
maraming mga bagay na nagawa ko upang tanggapin ko ito. Hindi ka makalalayo
sa anumang bagay.
Ang dalawa kong kaibigan itinaas ang bangka
sa ibabaw ng batuhang babaw kasama ako sa loob nito. Nasisira nito ang ilalim.
Ito ay isang kahoy na bangka, at ang bangka ay para sa kanilang kabuhayan,
kaya nalaman ko na ang sitwasyon ay seryoso para gawin nila ito. Itinaas
nila ang bangka sa ibabaw sa lawa at nagsilangoy, sinisikap na itulak ang
bangka upang ito ay umusad. Sabi ko, “Sumama kayo sa akin!” Subalit sila
ay sumagot “Hindi, lubha itong mabigat, tawagin mo ang batang lalaki na
dalhin ka sa pampang.” Kaya ang batang lalaking ito tinutulak ang bangka
sa pampang sa pamamagitan ng isang tungkod.
Nararamdaman ko ang lason na dumadaloy
sa aking mga ugat at ito ay sumuntok sa isang bagay sa ilalim ng aking braso.
Isang kulane ang tinatamaan. Ito’y unti-unti nang nagpapahirap sa akin huminga
sa aking kanang baga. Ang aking kanang baga ay pinasisikip ng aking damit
pang tubig kaya kinalagan ko ang aking damit pang tubig sa pamamagitan ng
aking kaliwang braso, tinanggal ko ito at isinuot ang aking pantalon habang
kaya ko pang kumilos. Ang aking bibig ay tuyo at nakaupo ako roon na pinagpapawisan.
Nararamdaman ko ang lason na gumagalaw. Nadarama ko ang isang matalim na
kirot sa aking likod na tila baga na may isang taong tinira ako sa aking
mga bato (kidneys). Sinisikap kong hindi gumalaw, sinisikap kong huwag mataranta.
Kami ay nasa kalahatian na malapit sa pampang at nararamdaman ko talagang
ang lason ay pumipintig at gumagalaw sa aking sistema ng dugo.
Hindi ko alam kung saang direksyon tumungo
ang aking dugo hanggang sa gabing iyon, subalit sasabihin ko sa iyo kung
ano, ako talaga ay naging interesado kung saan ang aking dugo ay pumaikot!
Ang lason ngayon ay nagpapamanhid nang aking buong kanang binti, at ako
ay may sapat na likas na pag-iisip na malaman na kung ito ay bumaba sa aking
binti na iyon at babalik sa aking puso o aking utak, pagkatapos patay na
ako. Habang ako ay papalapit sa pampang, ang aking paningin ay lumalabo.
Nahihirapan akong tumitig. Narating namin ang pampang at sabi ng bata, “Halika,
umalis na tayo rito.” Ako ay tumindig upang umalis at ang aking kanang binti
ay tumiklop sa ilalim ko. Ako’y bumagsak sakto sa ibabaw ng banagan, sa
sahig ng bangka. Ang bata ay tumindig paatras na isang gulat, pagkatapos
siya ay sumenyas sa akin na ilagay ko ang aking braso sa kanyang leeg. Nilagay
ko ang aking braso sa kanyang leeg, hinawakan ko ang aking paralisadong
braso ng mahusay kong braso at nanatili roon nakahawak. Kinaladkad niya
ako papalabas ng bangka at pagkatapos pataas sa pampang sa buhanginan. Ibinangon
niya ako patayo sa pangunahing kalsada.
Ito’y malapit nang maghating-gabi. Ang
lugar ay walang laman- walang sasakyan, walang anuman. Ako’y nakahawak sa
batang lalaki nagtatanong sa aking isipan kung papaano akong makararating
mula roon patungo sa ospital sa ganoong kalalim ng gabi. Hinanghina ako
sa aking kanang binti na ako ay naupo sa semento. Sinikap ng batang lalaki
na ako ay tulungan subalit sa bandang huli tinuturo niyang muli ang dagat,
sinasabi, “Ang aking mga kapatid na lalaki ay naroroon, kinakailangan kong
tumungo roon at kuhanin sila”. Sabi ko, “Hindi manatili ka rito at tulungan
mo ako.” Subalit sa bandang huli siya ay umalis.
IKATLONG KABANATA – ANG
PAGSUBOK SA KATATAGAN
Kapag ang aking espiritu’y lumagong nanlulupaypay
sa loob ko
Ikaw itong nakaaalam ng aking daan
Sa landas na aking nilalakaran
Mga tao’y nagtago ng isang patibong para
sa akin
Tignan sa aking gawing kanan at makita;
Walang sinumang nagmamalasakit sa akin
Wala akong pahingahan
Walang nagmamalasakit para sa aking buhay
Awit 142:3,4
(Bagong Pandaigdigang Salin)
Habang ako ay nakaupo roon nagapi ako
ng kapaguran at nahiga ako sa ibabaw ng kalsada nakatitig sa mga bituin.
Ipinipikit ko na ang aking mga mata upang matulog, nang marinig ko ang isang
malinaw na tinig nangungusap sa akin, at sabi “Ian, kung ipipikit mo ang
iyong mga mata hindi ka na muling magigising”. Ipinagpag ko ang aking pagkaantok
at inisip, “Ano ba ang aking ginagawa? Hindi ako maaaring matulog dito,
kinakailangan kong makarating sa isang ospital, kinakailangan kong makakuha
ng mga laban sa lason, at kailangan kong makakuha ng tulong. Kung ako ay
matutulog maaaring hindi na ako muling magising.”
Kaya muli kong sinikap na tumayo. Nagawa
kong lumakad nang iika-ika ng marahan pababa sa kalsada at nasumpungan ko
ang ilang mga sasakyan kasunod ng isang kainan, na hindi ko nalalaman, na
naroroon. Ako’y tumungo sa kinaroroonan ng mga sasakyan at nagsumamo sa
mga tsuper na dalhin ako sa ospital. Tinignan ako ng mga lalake sa loob
ng sasakyan at nagsabi “Magkano ang ibabayad mo sa amin?” Kung ikaw ay nakapamuhay
na sa Asia alam mo na ito ay ang kalakaran. Kung may pera ka, makaaalis
ka, kung wala kang pera wala kang patutunguhan. Kaya sabi ko, “Wala akong
anumang pera” – nangungusap ako ng malakas sa aking sarili. Pagkatapos natanto
ko kung gaano ako kahangal. Hindi ko dapat sinabi iyon. Makapagsisinungaling
ako, subalit hindi ko nagawa, sinabi ko lang ang katotohanan. Wala akong
pera. At ang tatlong tsuper ay nagtawanan, “Ika’y lasing, ika’y baliw”.
Tumalikod sila, sinindihan ang kanilang mga sigarilyo at nagpasimulang maglakad
papalayo.
Pagkatapos muli kong narinig ang isang
malinaw na tinig nagsasabi “Ian, gusto mo bang magmakaawa para sa iyong
buhay?” Siguradong kaya ko. Alam ko kung papaano ito gawin. Namuhay ako
sa Timog Afrika nang mahabang panahon. Nakita ko ang mga itim na lalaki
salubungin ang kanilang mga palad at iyokod ang kanilang mga ulo sa mga
puting lalaki at sasabihin, “Oo, m boss, oo’ m amo.” Kaya nakita ko ito,
at ito ay napakadali sa akin na lumuhod dahil ang aking kanang binti ay
wala na, at ang aking kaliwang binti ay napakahina o hindi matatag. Ako’y
nakasandal sa kotse kaya nagpadausdos na lamang ako paluhod at isinalubong
ang aking mga palad (kagaya ng pagdarasal). Ibinaba ko ang aking ulo upang
hindi ko sila makita nagmakaawa ako para sa aking buhay. Nasa bingit na
ako nang pag-iyak, dahil alam ko na kung hindi ako madadala sa ospital sa
lalong madaling panahon wala na akong ibang pupuntahan pa. Kung ang mga
taong ito ay walang habag at pagmamahal sa kanilang puso para sa akin, at
awa para sa akin, namatay na sana ako roon sa harapan nila.
Kaya ako ay nagmaka-awa at nakiusap sa
kanila para sa aking buhay. Ang aking ulo ay nakayukod tinitignan ko ang
kanilang mga paa. Dalawa sa kanila ay umalis na lang basta, subalit nakita
ko ang isang batang lalaki nag-aalangan na gumalaw ang mga paa. Tila baga
na ito ay napaka tagal, pagkatapos lumapit siya at dinampot ako. Hindi siya
nagsasalita subalit tinulungan niya ako makatayo, inilagay ako sa sasakyan
at kumaripas. Sa kalahatian nang daan patungong ospital nagbago ang kanyang
isip. Pagalit na siya ay nagtanong “Saang hotel ka nakatuloy puting lalake?”
Ako’y sumagot na hindi ako nakatira sa isang hotel kundi sa isang bahay
na bungalo sa Tamarin Bay. Ang akala niya ako ay nagsinungaling sa kanya
at galit na baka wala siyang makuhang pera mula sa akin matapos ang lahat.
“Papaano ko makukuha ang aking pera?” sabat niya. Sumagot ako “Ibibigay
ko sa iyo ang lahat ng pera ko!” Kapag ang iyong buhay ay nakasalalay, ang
pera ay bale wala. Sabi ko “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng perang gusto
mo kung madadala mo ako sa ospital. Ibibigay kong lahat ito sa iyo.” Subalit
hindi siya naniwala sa akin.
Kaya nagbago ang kanyang isip at dinala
ako sa isang malaking hotel na pang turista. Sabi niya “Ibababa kita rito,
hindi na kita dadalhin”. “Hindi!” Nagsumamo ako, “Pakiusap dalhin mo ako,
ako’y namamatay”. Humilig lamang siya, tinanggal ang aking sinturon pangkaligtasan
at binuksan ang pintuan. “Lumabas ka!” Umungol siya. “Hindi ako makakalabas,
palagay ko hindi ko kayang gumalaw” tugon ko. Kaya tinulak na lamang niya
ako palabas.
Nasabit ang aking mga binti sa hamba ng
pinto kaya itinaas niya ito at itinapon palabas, hinampas pasara ang pinto
at kumaripas ng takbo. Nakahandusay ako roon, at naisip ko, “Ang mundong
ito ay bulok. Nakita ko ang kamatayan, puot, karahasan; ito ay impiyerno,
ang lugar na ito ay impiyerno sa lupa. Ito ay isang marumi, may sakit na
mundo na ating tinitirhan.” Nakahandusay ako roon at nararamdaman kong tila
susuko na ako. Naisip ko, “Ano ang punto nang pagsisikap makarating sa ospital?
Kung ubos na ang iyong bilang, hayaan mo na lang, mamatay na lang.”
Pagkatapos sumagi sa isipan ko ang aking
lolo. Dumaan siya sa Una at Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. Galing na siya
sa Gallipoli at nakipaglaban sa Egipto laban kay Rommel. Naalaala ko ito
at naisip ko kung papaano ang aking lolo ay nakaligtas sa dalawang digmaang
pangdaigdig at narito ang kanyang apo sumusuko na dahil sa limang kaabaabang
dikya na tumusok sa kanya! Kaya naisip ko “Pupunta ako sa huling hininga,
huwag kang bibigay Ian!” Gamit ang aking isang natitirang gumaganang braso
sinikap kong hilahin ang aking sarili patungo sa pasukan ng hotel. Nakikita
ko ang ilang mga bukas na ilaw. Sa aking pagkamangha ang mga guardya na
ginagawa ang kanilang paglilibot dala ang kanilang lente ay nakita ako na
gumagapang sa lupa.
Isang lalaki ang tumatakbong dumating.
Tumingin ako pataas at nakilala ko siya na isa sa aking mga kainuman. Isa
siyang malaking maitim na lalaki na ang tawag ay Daniel, isang malaking
kaibig-ibig na lalaki. Tumatakbo siyang lumapit sa akin at nagtanong, “Ano
nangyari sa iyo, ikaw ba ay lasing, ikaw ba ay sabog, ano nangyari sa iyo?”
Hinila ko ang aking pangginaw pataas upang ipakita sa kanya ang aking braso
at makita niya lahat nang aking mga paltos at ang pamamaga. Kinalong niya
ako sa kanyang mga braso at tumakbo.
Ito’y parang pagdampot sa akin ng isang
malaking anghel. Tumakbo siya papasok, lagpas sa paliguan at ibinaba niya
ako sa isang upuan. Tila tatlong metro ang layo ang mga Intsik na may ari
ng hotel ay naglalaro ng mahjong at nag-iinuman. Ang lahat ng mga turista
ay nagtungo na sa higaan, ang tindahan ng alak ay sarado na at sila ay nagsusugal.
Ibinaba ako ni Daniel doon at nawalang
muli sa kadiliman. Nagtataka ako kung saan siya nagtungo subalit natanto
ko na ang itim na lalaki ay hindi puwedeng makipagusap sa isang Intsik na
lalaki sa bansang ito maliban na lamang na siya ay tanungin. Ako’y gagawa
ng pagsubok na kausapin ko mismo ang mga Intsik. Kaya hinila ko ang aking
manggas pataas at ipinakita ang aking namamaga at paltos na braso. Sabi
ko, “Kailangan kong pumunta agad sa ‘Quartre Bonne’ ospital, ako ay natusok
ng limang dikya.” Gumamit pa ako ng ilang salitang Intsik. Sila’y nagtawanan.
Isa sa mga batang lalaki ay tumayo at nagsabi “O puting bata, hindi maganda
sa iyo ang heroin, mga matatanda lamang ang gumagamit ng Opium.” Ang akala
niya ako ay nasa droga dahil ipinakita ko ang aking braso at mukha itong
tinusok ng ‘injection’ sa malayuan.
Unti-unti na akong nagagalit at nawawalan
ng pag-asa dahil dito. Naupo ako roon pinipilit kong payapain ang aking
sarili, dahil alam ko na kung ako ay labis na magalit and lason ay mas lalong
kikilos ng mabilis. Subalit ang buo kong katawan, bawat kalamnan, nagpasimulang
bumaltak at mangunot. Ako ay talagang napapaalis sa aking upuan sa bawat
pangungunot habang ang lason ay gumagalaw sa aking mga kalamnan. Ang mga
Intsik na lalake ay patakbong dumating at tatlong lalaki ay sinikap na ako
ay pigilan pababa. Hindi nila ako mapirmi, hinahagis ko sila palabas.
Nang ako ay makalabas dito sa di kapanipaniwalang
panginginig isang nakamamatay na lamig ang gumapang sa ibabaw ng aking pangluob
na bahagi ng aking buto. Ito’y tulad ng kamatayan na gumagapang sa ibabaw
ko. Alam ko na ang aking katawan ay namamatay, sa aking harapan. Ako ay
lubhang napaka lamig. Ang mga lalake ay nagpasimulang lagyan ako ng mga
kumot sa buong ibabaw sinisikap na ako ay mapanatiling mainit. Sinisikap
ko pa ring mapanatili itong sama-sama, at tinatanong ko sila, “Dalhin ninyo
ako sa ospital pakiusap.” Ipinatong ng isang lalake ang kanyang kamay sa
aking balikat at sabi, “Hindi, aantayin natin ang ambulansya puting bata.”
Kaya naupo ako roon nag-iisip, “Hindi ko alam kung makakaabot pa ako roon.”
Noon din dumating ang ambulansya at mula sa kawalan lumitaw si Daniel kasama
ang isa pang bantay. Nilagay nila ako sa ibabaw ng kanilang mga braso at
lumarga. Natanto ko pagkatapos na siya ay tumungo derecho sa palitan ng
telepono at tinawagan niya mismo ang ospital.
Kaya ang ambulansya ay dumating. Dumating
ito na umuugong ang sirena at gumagala ang mga ilaw sa paradahan ng sasakyan,
pumihit ito pabalik sa harap ng hotel, at muling kumaripas. Ang tsuper ng
ambulansya ay mula sa isang ospital ng mga itim, kaya nang wala roong tao
sa harap ng hotel nang Intsik upang kumulekta halatang halata na akala niya
na mali ang pagsunod sa kanyang mga tagubilin.
Kaya naroon ako, kalahati sa daan patungong
mga pintuan o gates, at nakikita ko ang ambulansya na nawawala sa paikot
sa kanto. Sinikap kong sumipol subalit ang aking bibig ay tuyo at hindi
ako makakuha ng sipol palabas. Nakita ni Daniel kung ano ang sinisikap kong
gawin kaya siya ang sumipol nang napaka lakas sa abot nang kanyang makakaya.
Ito ay bumanda sa pader at pababa sa kalsada. Marahil ibinaba ng tsuper
ang bintana ng ambulansya dahil ang pulang ilaw ng preno ay bumukas at siya
ay umatras. Ang ambulansya ay isang matandang Renault 4 na tinanggalan ng
upuan sa harapan at isang teheras para sa campo ang inilagay sa lugar na
ito. Iyon nga iyon mga bata, iyon ang ambulansya.
Hindi ako nag-aalala. Wala akong pakialam
kung ano ang nagdala sa akin doon. Ang tsuper ay hindi man lamang nagawang
lumabas ng ambulansya. Humilig siya sa harapan, binuksan ang pinto at ibinaba
ako ni Daniel sa loob ng higaan o teheras. “Kamusta ang iyong nanay, kamusta
ka na, gusto mo ba ng isang kumot, ano ang mali sa iyo?” Siya ay isa lamang
tsuper at kumaripas na siya. Sinisikap kong hindi isara ang aking mga mata,
nalalaman ko na dapat akong gising hanggang sa masaksakan ako ng laban sa
lason. Kung mapapanatili ko sanang ako’y buhay hanggang makarating ng ospital.
KABANATANG APAT – ANG PANALANGIN
NG PANGINOON
Ama namin sa langit
Banalin ang iyong pangalan
Dumating ang iyong kaharian
Mangyari ang iyong kalooban
Dito sa lupa gaya nang sa langit
Bigyan mo kami sa araw na ito nang aming
pangaraw-araw na tinapay
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan
Gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala
laban sa amin
Huwag mo kaming akayin sa tukso
Subalit iligtas mo kami sa masama
Sapagkat sa iyo ang kaharian
Ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian
Magpakailan-kailan man
Amen
(mula sa Matthew 6: 9-13)
Kami ay nasa kalagitnaan nang daan patungo
sa ospital at ang Renault ay umaakyat sa isang burol. Ang aking mga paa
ay tumataas sa hangin at ang lason sa aking dugo ay nagpapasimulang rumagasa
derecho sa aking utak. Nagpasimula kong makita ang isang larawan ng isang
maliit na malanieveng (snowy) at pagkatapos nakita ko and isa pang sulyap
ng isang mas matandang lalake na may malanieve na puting buhok. Nakatingin
ako sa larawang ito nag-iisip, “Gee mayroon siyang maputing buhok,” at ito’y
bigla na lamang nagrehistro na ako ay tumitingin sa aking sarili, nakikita
ko ang aking buhay na dumaan sa aking harapan. Ito’y isang nakapangingilabot
na karanasan, pagtingin sa mga larawan ng aking buhay dumadaloy sa aking
harapan tulad ng isang pelikula, kasing linaw ng kristal mulat ang aking
mga mata. Ako’y nakatitig at nag-isip, “Narinig ko na ang tungkol dito,
at nabasa ko pa ang tungkol dito. Sinasabi lang ng mga tao bago sila mamatay
nakikita nila ang kanilang buhay na dumadaloy sa kanilang harapan.”
Sabi ko sa aking sarili, “Ako’y napakabata
para mamatay, bakit ba ako nagtungo upang manisid? Anung isang hangal, nanatili
na lamang sana ako sa bahay.” Ang aking mga iniisip ay nag-uunahan. Ngayon
nalaman ko na ako ay nakaharap sa siguradong kamatayan. Hindi ko na halos
marinig ang tibok ng aking puso at nakahandusay ako roon namamangha kung
ano ang mangyayari kapag ka ako ay namatay? Mayroon pa bang anuman matapos
akong mamatay? Saan ako pupunta kung ako ay mamatay?
Pagkatapos nakita ko ang isang malinaw
na pangitain ng aking nanay. Ito’y para bagang siya’y nangungusap sa akin
ng mga ganoong mga pananalita na sinabi niya sa aking nang matagal nang
panahon; “Ian, gaano ka man napalayo sa Diyos, anuman ang nagawa mong mali,
kung ikaw ay iiyak sa Diyos mula sa iyong puso, pakikinggan ka niya at patatawarin
ka niya.”
Sa aking puso ako ay nag-iisip, “Ako ba
ay naniniwala na may isang Diyos? Ako ba ay mananalangin? Kaunti na lamang
at ako ay isa nang masugid na taong walang Diyos. Wala akong sinumang pinaniniwalaan.
Subalit, ako ay naharap sa sa pamamagitan ng pangitaing ito ng aking nanay.
Kinausap ko ang aking nanay ang tungkol dito nang ako ay bumalik sa New
Zealand. Sinabi niya na nagising siya nang maagang maaga nang araw na iyon.
Ipinakita sa kanya ng Diyos ang aking mapupulang mga mata at sinabi sa kanya,
“ang iyong panganay na anak Ian ay malapit nang mamatay. Manalangin ka para
sa kanya ngayon.” Kaya nagpasimula siyang manalangin para sa akin.
Ngayon siyempre ang kanyang panalangin
ay hindi makapagliligtas ng aking kaluluwa, hindi niya ako kayang dalhin
sa langit, subalit alam ko na kailangan kong manalangin. Hindi ko alam kung
papaanong manalangin at kung kanino ako mananalangin. Kaninong diyos ako
dapat manalangin? Buddha, Kali, Shiva? Libu-libo sila. Subalit hindi ko
nakita si Buddha o Krishna o ibang mga diyos o tao nakatindig doon, nakita
ko ang aking nanay, at ang aking nanay ay sinusundan si HesuKristo. Naisip
ko, “Maraming taon na akong hindi nanalangin, ano ang ipapanalangin ko?
Ano ang ipapanalangin mo sa puntong ito? Ano ang panalangin kung malapit
ka nang mamatay?”
Pagkatapos naalala ko noong ako’y isang
bata pa tinuruan kami ng aming nanay nang ‘Panalangin ng Panginoon’. “Aming
ama na nasa langit, banalin mo ang iyong pangalan, dumating ang iyong kaharian,
maganap ang iyong kalooban sa lupa kagaya ng sa langit…” Kaya naisip ko
na iyon ang ipapanalangin, iyon lamang ang panalanging alam ko. Nagpasimula
akong ipanalangin ito, subalit hindi ko ito maalaala. Tila baga na ang lason
na pumasok sa aking ulo ay kaunti nang pinatigil akong makapag-isip. Isinasara
nito ang aking isipan. Ito’y nakapangingilabot. Umasa ako nang higit sa
aking isipan at sa aking karunungan at ngayon biglaan ito’y namamatay sa
akin. Buradong isipan, zero.
Habang ako ay nakahandusay doon naalala
ko ang aking nanay na sinabi na hindi ka mananalangin mula sa iyong isipan,
mananalangin ka mula sa iyong puso. Kaya, sabi ko “Diyos hindi ko alam kung
saan ang panalanging ito, gusto kong ipanalangin ito, tulungan mo ako”.
Habang sinasabi ko iyon, ang panalanging ito ay tunay na nagmula sa aking
panloob na pagkatao, mula sa aking espiritu. Nanalangin ako, “Patawarin
mo kami sa aming mga kasalanan.” Pagkatapos nagpatuloy ako “Diyos, hinihiling
ko sa iyo na patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, subalit marami akong
ginawang bagay na mali. Alam ko na iyon ay mali, ang aking budhi ay nagsasabi
sa akin na ang mga iyon ay mali. Kung mapapatawad mo ako sa lahat ng aking
mga kasalanan, at hindi ko alam kung papaano mo itong gagawin – wala akong
maisip na paraan kung papaano mo mapapatawad ang mga ito – nagsusumamo ako
na patawarin mo ako sa aking mga kasalanan”. At pinaninindigan ko ito. Gusto
kong punasang malinis ang munting pisara, magsimulang muli. “Diyos patawarin
mo ako.”
Habang ipinapanalangin ko iyon, nakuha
ko ang isa pang bahagi ng panalangin. “Patawarin mo sila na nagkasala sa
iyo.” Nauunawaan ko ang ibig sabihin na kailangan kong patawarin sila na
nanakit sa akin. Naisip ko, “Mabuti, wala akong itinatagong sama ng loob.
Mayroong mga tumpok ng mga taong na nagwakwak sa akin at nanaksak sa likod
at nagsalita ng mga masasamang salita laban sa akin at gumawa ng napaka
samang mga bagay sa akin – pinapatawad ko sila.” Pagkatapos narinig ko ang
tinig ng Diyos nagsasabi, “Patatawarin mo ba ang Indian na nagtulak sa iyo
papalabas ng sasakyan at ang mga lalaking Intsik na ayaw kang dalhin sa
ospital?” Nagtungo ako, “Hmm, mayroon akong ibang plano, kapagka nakalusot
ako rito.” Subalit inisip ko, “ Okay, pinapatawad ko sila. Kung kaya mo
akong patawarin, kaya ko silang patawarin. Papatawarin ko sila.”
Ang susunod na bahagi ng aking panalangin
ay dumating sa akin, “Ang kalooban mo ang mangyari.” Ginawa ko ang sariling
kong bagay sa nakalipas na 20 masalimoot na taon. Sabi ko, “Diyos, kung
ako ay makalulusot dito, hindi ko man lamang alam ang iyong kalooban – wala
akong hinuha kung ano ang iyong kalooban – Alam ko na ito ay hindi paggawa
ng mga bagay na masasama, subalit hindi ko alam kung ano ang iyong kalooban.
Kung makakalusot ako rito, hahanapin ko ang iyong kalooban para sa aking
buhay at gagawin ko ito. Gagawa ako ng isang punto na sumunod sa iyo ng
buong puso kung ako ay makalulusot dito.”
Hindi ko ito maunawaan sa oras na iyon,
subalit iyon ang aking panalangin para sa kaligtasan. Hindi mula sa aking
ulo, kundi sa aking puso, humihiling “Diyos patawarin mo ako sa aking pagsalangsang
at gawang masasama. Diyos linisin mo ako. Pinapatawad ko ang lahat ng nanakit
sa akin. At HesuKristo, gagawin ko ang iyong kalooban, ang kalooban mo ang
mangyari. Susundin kita.” Pinanalangin ko ang panalangin ng makasalanan,
ang nagsisising panalangin sa Diyos.
Isang di kapanipaniwalang kapayapaan ang
dumating sa aking puso nang ipanalangin ko ang panalangin. Tila baga ang
takot ay umalis sa akin, ang takot sa bagay na darating. Ako ay namamatay
pa rin, alam ko iyon, subalit ako ay payapa tungkol dito. Nakipagkasundo
na ako sa aking manlilikha. Alam ko ito, nalaman ko sa unang pagkakataon
na nahipo ko ang Diyos at tunay na napapakinggan ko siya. Hindi ko pa siya
napakinggan kailan man subalit ngayon naririnig kong nagsasalita siya sa
akin. Walang sinuman ang makapagsasabi sa akin ng Panalangin ng Panginoon.
IKALIMANG KABANATA – ANG
HULING KALAG
Makakapasok ka sa kaharian ng Diyos sa
makipot na pintuan lamang.
Ang lansangan sa impiyerno ay malapad at
ang kanyang pintuan ay maluwang
para sa marami na pinili ang madaling paraan.
Subalit ang lagusan sa buhay ay maliit,
at ang daan ay makipot,
at kakaunti lamang ang makasusumpong nito.
Mateo 7:13,14
(Bagong Buhay na Salin)
Sa wakas nakarating kami sa ospital. Ang
tsuper ng ambulansya itinaas ako mula sa isang upuang may gulong at patakbong
dinala ako sa lugar ng emergency. Mayroong kumuha ng presyon ng aking dugo.
Habang ako ay nakaupo roon pinagmamasdan ko ang nars tinignan niya ang sukatan
o gauge at pagkatapos tinapik niya ito. Sa isip-isip ko anung klaseng ospital
ito? Ito’y isang lumang pangalawang pandaigdigang digmaan na ospital. Iniwanan
ito ng mga Ingles at ibinigay sa mga tao ng Creole. Kapareho pa rin nito
ang itsura ng ito ay gawin noong 1945. Ito ay mabaho at napakaluma at ganunpaman
naroon ako.
Tinapik muli ng nars ang gauge o sukatan
ng presyon. Nagpasimula akong mag-isip, “Walang problema sa makina, itong
aking puso, hindi ito tumitibok.” Tinaggal niya ito at humalughog patungong
pamingganan, nagbabakasakali na makakita ng mas mukhang bago. Hinila niya
papalabas ang isa, inilagay ito ibabaw, binuksan ito at nagpasimulang bombahin.
Nakikita ko na kahit na ano ang gawin hindi ito nagrerehistro ng marami.
Tinignan niya ako, pagkatapos tumingin sa makina. Ang aking mga mata ay
mulat, subalit alam ko na siya ay nagtataka kung bakit mulat ang mga ito.
Sa ganitong uri ng presyon ng dugo ang iyong mga mata ay hindi dapat mulat.
Ako ay desperadong nakabingit. Ako ay nakakapit para sa lahat ng aking kahalagahan.
Ayokong pumunta saan man. Gusto kong manatili sa aking katawan. Ayokong
mamatay. Ako ay lumalaban nang buo kong lakas upang manatiling buhay.
Kaya ang tsuper ng ambulansya, natanto
niya na ang sitwasyon ay malubha, tinanggal ang ‘gauge’ o panukat sa aking
braso at itinakbo ako sa mga doktor. Dalawang Indianong doktor ang nakaupo
roon, kapwa sila kalahating tulog, nakababa ang mga ulo. “Ano ang pangalan
mo, saan ka nakatira?” Ang isa ay nagtanong sa Frances, “Ilang taon ka na?”
Siya ay isang batang doktor at hindi man lamang niyang nakuhang tumingin
sa akin. Ako ay tumingin sa mas matandang doktor. Siya ay may roon ilang
puting buhok at inisip ko, “Siya ay matagal na rito ng ilang taon, maaaring
alam niya kung papaano niya akong tutulungan.”. Kaya nag-antay ako. Hindi
ako sigurado kung mayroon pa akong natitirang lakas para magsalita. Tinitigan
ko siya sa kanyang mga mata at binigyan ko siya ng pinaka mabigat na titig
na magagawa ko. Bumulong ako “Malapit na akong mamatay, kailangan ko ng
pangontra sa lason ngayon din”. Hindi siya gumalaw. Hindi ko inalis ang
aking mga mata sa kanya, siya ay nakatitig lamang pabalik sa mga ito.
Pumasok ang nars na may dalang isang pirasong
papel. Ang matandang doktor ay tinignan ito, tumingin sa akin, at tumalon.
Nakikita ko siya na inis na inis tila baga na sinasabi sa nakababatang doktor,
“Ikaw na tanga, bakit hindi mo tinignan ang batang lalakeng ito?” Tumalon
siya, itinulak ang tsuper ng ambulansya paalis sa kanyang daraanan, kinuha
niya mismo ang upuan may gulong at nagpasimulang itakbo ako pababa sa pasilyo.
Nakakarinig ako ng isang uri ng ingay ng mga alingasngas. Naririnig ko siyang
sumisigaw ng ilang bagay subalit hindi ito malinaw sa akin.
Ang doktor ay tumakbo sa isang silid nang
mga botelya at mga kasangkapan sa gamot sa loob nito. Nang sumunod na minuto
ako ay napapalibutan ng mga nars, doktor at mga tagapagsaayos. Sa matagal
na huli, mayroong nangyayari. Isang nars ay pinihit ang aking braso at nilagyan
ng swero. Ang doktor ay nasa tapat ng aking mukha nagsasabi, “Hindi ko alam
kung naririnig mo ako anak subalit susubukin naming iligtas ang iyong buhay.
Panatilihin mong mulat ang iyong mga mata…sige anak, labanan mo ang lason.
Subukan at panatiliin mong gising, tama itong lahat, naglalagay kami ng
swero upang hindi ka maubusan ng tubig.” Isang nars ang nagturok ng isang
karayom sa isang bahagi at isa pang nars sa kabilang bahagi, tinuturok.
Hindi ko sila maramdaman subalit nakikita ko silang ginagawa ito. Sinasabi
ng doktor, “Kontra sa lason (anti-toxin) upang labanan ang lason.” sa kanyang
Ingles na Oxford. Isa pang nars ang lumuhod sa aking mga paa, sinasampal
ang aking kamay sa abot ng kanyang makakaya. Ako’y nag-iisip, “Ano ang kanyang
ginagawa?” Subalit wala akong pakialam, basta itinulak na lamang ang sa
loob ang mga karayom!
Isang nars sa aking likuran ay pinupuno
ang isang malaking heringgilya, tulad ng isang heringgilya para sa kabayo.
Inaalis niya ang hangin palabas dito. Sinikap niyang itusok ito sa aking
braso subalit walang ugat ang nagpakita. Kaya tinaas niya ang aking balat,
inilagay ang karayom sa loob at nagpasimulang itulak ang likido sa loob.
Napuno nito ang aking ugat tulad ng isang maliit na lobo. Nakikita ko kung
gaano siya kinakabahan dahil ang karayom ay nasa loob ng ugat at tila baga
ito ay nanginginig ng higit na pupunitin nitong pabuka ang aking ugat.
Iniwan niya ang karayom na nakatusok at
mayroong nag-abot sa kanya ng panibagong karayom. Muli, pinasabog nitong
pabuka ang ugat. Tinignan ng nars ang doktor at tinanong siya, “Isa pa?”
Tumango ang doktor. Kaya sinikap niya ang isa pa. Isang nars ngayon ang
nagsikap na hilutin ito papaloob subalit gumugulong lamang ito, sa katunayan
iginugulong ng ugat papaalis ang kanyang hinlalaki. Hindi niyang makuhang
ilagay ang kontra-lason sa dugo, ito’y hindi na gumagalaw.
Ang puso ko ay halata nang hindi nagtutulak
ng sapat na dugo paikot. Ang aking mga ugat ay nagdadapaan. Gumawa ako ng
panggagamot sa hayop sa aking kurso kaya pinag-aralan at naunawaan ang pangunahing
pag-aaral sa katawan at balangkas. Nauunawaan ko kung ano ang nangyayari,
subalit wala akong magawang anuman sa mga bagay na ito. Nauunawaan ko na
ako ay papunta sa isang kalagayan na coma o walang malay. Ako ay lubos na
paralisado. Ang aking puso ay gumagalaw patungo sa isang punto na kung saan
hindi na ito gumagana.
Wala akong alam kung ano ang nakatusok
sa akin isang dikya (box jelly fish) o isang insekto sa dagat, ang pangalawang
pinaka nakamamatay na makamandag na kilala ng tao. Sa loob ng 20 taon 60
tao ang namatay na minsan lamang natusok. Anim na buwan sa loob ng isang
tao naglalagay sila ng babala na may nakalagay na bungo at magkaekis na
buto sa mga pampang ng Darwin upang balaan ang mga tao sa paglangoy sa tubig.
Mayroon akong sapat na lason upang patayin ako ng limang ulit. Kalimitan
ang isang tao ay namamatay sa loob ng labing limang minuto sa unang tusok.
Wala ako nito sa kalamnan, kundi nasa gitna ng aking mga ugat.
Tinignan ako ng doktor sa aking mata at
sinabi, “Huwag kang matakot.” Isip-isip ko, “Kaibigan, higit ka pang takot
kaysa sa akin.” Nakikita ko ang pagkahibang sa kanyang mga mata. Ako ay
inangat at inilagay sa isang higaan kasama ang aking swero. Ang doktor ay
nakatayo sa ibabaw ko pinupunasan ang aking ulo. Tila baga na ang tubig
ng swero na nilagay nila pabalik sa aking katawan ay lumalabas sa aking
pawis sa noo. Pinupunasan ito ng doktor paalis sa aking mukha, subalit nang
siya ay umalis nang ilang minuto. Habang ako ay nakahiga roon nararamdaman
ko na ito ay tumutulo sa aking mga mata at nagpasimula itong palabuin ang
aking paningin, parang ito ay mga luha sa aking mga mata.
“Kinakailangan kong panatiliing mulat
ang aking mga mata.” Sabi ko sa aking sarili. Ninasa ko na bumalik ang doktor
at punasan ang aking mukha subalit hindi siya bumalik. Sinikap kong magsalita,
“Doktor bumalik ka.” subalit ayaw gumalaw ng aking labi. Sinubukan kong
ipaling ang aking ulo subalit ayaw gumalaw ng aking ulo. Kaya kinurap ko
itong aking mga talukap ng mga mata. Piniga ko ito ng bahagya subalit ito’y
malabo pa rin. Patuloy kong pinipiga ang aking talukap pasara. Gumawa ito
ng bahagya, at pagkatapos biglang-bigla ako ay dumighay, tulad ng dighay
ng kaginhawahan at hindi ko na alam kung ano ang nangyari.
IKA-ANIM NA KABANATA –
ANG KADILIMAN
Liwanag ay dumating sa sanglibutan, subalit
inibig ng tao ang kadiliman sa halip na liwanag dahil ang kanilang mga gawa
ay masama.
Juan 3:19
(NIV)
Marami…ay itatapon sa higit na labas na
kadiliman,
na kung saan ay mayroong pananangis at
pagngangalit ng mga ngipin.
Mateo 8:12
(NLT)
Alam ko na mayroong isang pagkalas, ang
pagpupunyagi na manatiling buhay ay tila natapos na. Walang sinuman ang
nagsabi sa akin kung ano ang nangyari, walang nagsabi, “Namatay ka na anak.”
Hindi ko alam iyon. Ang tanging alam ko ang pakikibaka na pilitin at panatiliing
mulat ang aking mga mata at manatiling buhay ay tapos na.
Alam ko na ako ay nagtungo sa isang lugar,
hindi ito tulad nang pagsasara ng iyong mga mata at pupunta sa pagtulog,
alam ko na mayroon akong pinuntahan. Taglay ko ang isang lumulutang na damdamin
sa mga nakalipas na 20 minuto sa ospital ganoonpaman. Ako’y nanghahawak
sa aking katawan nang lahat sinisikap kong huwag magpalutang-lutang kung
saan-saan. Subalit nang isara ko ang aking mga mata, hindi ako lumulutang
papalayo, ako’y wala na.
Sinabi ng Bibliya sa Ecclesiastes, na
kapagka ang isang tao ay namatay ang kanyang espiritu ay babalik sa Diyos
na nagbigay nito at ang kanyang katawan ay babalik sa alabok na kung saan
ito nagmula. Mabuti, nalaman ko na ang aking espiritu ay umalis, ako ay
napunta kung saan, at ganoon pa man hindi ko alam na ako ay patay na. Tila
baga na ako ay dumating sa isang malawak, malapad na lugar tulad ng isang
hungkag ng napaka-itim na kadiliman. Ang pakiramdam ko na ako ay nakatindig.
Ito ay tulad ng ako ay nagising mula sa isang masamang panaginip sa bahay
ng iba, at nagtataka kung saan na napunta ang iba. Ako ay tumingin sa palibot
sinisikap na masanay ang aking sarili sa mga bagong kapaligiran.
Ikaw ba ay minsan nang nagising sa kalagitnaan
ng gabi at sinikap na hanapin ang pindutan ng ilaw? Mabuti, sinisikap kong
hanapin ang pindutan ng ilaw, at tila hindi ko ito makita. Sinisikap kong
hipuin ang ilang bagay, at ako ay gumagalaw paikot-ikot at walang anuman
doon. Ni hindi man lamang ako mabangga sa anuman. Hindi ko makita ang aking
kamay sa aking harapan ng aking mukha. Itinaas ko ang aking kamay upang
makita kung ilan ang aking makikita. Itinaas ko ito kung saan naroon ang
aking mukha at ito ay lumagos ito sa lugar na kung saan naroon ang aking
mukha. Ito ay nakapangingilabot na karanasan. Alam ko doon mismo at pagkatapos,
ako iyon, Ian McCormack, nakatayo roon, subalit walang isang katawan. Mayroon
akong pandama at pakiramdam na ako ay mayroon isang katawan, subalit wala
akong pisikal na mahihipo. Ako ay isang espiritung nilalang, at ang aking
pisikal na katawan ay namatay na, subalit ako ay buhay na buhay, at lubos
na alam na ako ay mayroong mga braso at mga binti at isang ulo, subalit
hindi ko na sila mahipo. Ang Diyos ay isang espiritu, isang di nakikitang
espiritual na persona, at tayo ay ginawa ayon sa kanyang larawan.
Iniisip ko sa aking puso, “Saan sa mundo naroon ako?”
At habang ako ay nakatayo roon sa kadiliman, nadama ko ang higit na kakaibang
kalamigan at takot na sumusukob sa akin. Marahil ikaw ay naglakad na pababa
sa isang malungkot na kalsada sa gabi, o ikaw ay umuwi sa bahay na nag-iisa
at nadarama mo na mayroon doong nakatingin sa iyo. Naramdaman mo na ba iyon?
Nararamdaman mo na mayroong nakatingin sa iyo sa kadiliman subalit hindi
mo makita kung sino ito. Nagpasimula kong maramdaman ang masama sa kadiliman.
Ang kadiliman ay tila baga hindi lamang pisikal kundi espiritual. Dama ko
na ako ay minamatyagan. Isang malamig na nanghihimasok na masama ang tila
baga sumasakop sa hangin sa palibot ko. Alam ko na mayroong ilang bagay
sa palibot ko. Dahan-dahan nagpasimulang malaman ko na tila baga na mayroong
ibang mga tao na gumagala sa palibot ko, sa parehong kalagayan na tulad
ng sa akin. Bagaman hindi ko sinabi nang malakas sinagot nila ang aking
mga iniisip. Mula sa kadiliman nagpasimula kong marinig mga tinig na humihiyaw
sa akin: “Tigil!” “Karapat dapat kang naririto!” Isip ko, “Ako ay nasa impiyerno,
ito ay maaaring tunay, subalit papaano akong humantong dito?” Ako ay nahintakutan
– takot gumalaw o huminga o magsalita. Habang iniisip ko ito natanto ko,
“Oo, maaaring naging karapat dapat ako sa lugar na ito.”
Ang mga tao ay may larawan ng impiyernong
ito, sa oras ng kasiyahan at dakilang kaaliwan. Dati ganoon din ang pag-iisip
ko. Isip ko na gagawin mo ang lahat ng bagay doon na hindi mo dapat gawin
sa mundo. Iyon ay tunay na basura. Ang lugar na kinaroroonan ko ay talagang
pinaka nakatatakot na lugar na napuntahan ko. Ang mga tao roon ay walang
magawa na ang kanilang mga puso ay gustong gawin, wala silang magawa. At
wala roong pagyayabang. Sino ang pagyayabangan sa baba roon? “Ay oo, nanggahasa
ako, pumatay, nagnakaw, nang dambong.” Mabuti whoop-de-doo bata! Walang
anuman sa baba roon na pag-uusapan, wala. At alam nila na ang paghahatol
ay darating.
Wala nang kaugnayan sa oras sa lugar na
iyon. Ang mga tao roon ay di makapagsasabi kung anung oras na. Hindi nila
masabi kung sila ay naroon na ng 10 minuto, 10 taon o 10,000 taon. Wala
na silang kaugnayan sa oras. Ito ay isang nakatatakot na lugar. Sinabi ng
Bibliya na mayroong dalawang kaharian, ang Kaharian ng Kadiliman, na pinaghaharian
ni Satanas, at ang Kaharian ng Liwanag. Ang aklat ng Hudas nagsasabi na
ang lugar ng kadiliman ay talagang inihanda para sa mga anghel na sumuway
sa Diyos, hindi para sa mga tao, kailanman. At ito ang pinaka nakakatakot
at ang pinaka nakasisindak at ang pinaka nakapangingilabot na lugar na napuntahan
ko. Hindi ko pinapangarap o inaasahan maging ang aking pinaka masamang kaaway
na mapunta sa impiyerno.
Wala akong maisip na paraan kung papaanong
makaalis sa lugar na ito. Papaano kang makalalabas sa impiyerno? Subalit
ako ay nanalangin na, at ako ay nagtataka bakit sa mundo na napunta ako
roon, dahil ako ay nanalangin bago ako mamatay, at hiniling sa Diyos na
patawarin ako sa aking mga kasalanan. Ako ay umiiyak at talagan umiiyak
nang malakas sa Diyos, “Bakit ako naririto, humingi na ako sa iyo ng kapatawaran,
bakit ako naririto? Ibinaling ko na ang aking puso sa iyo, bakit ako naririto?”
Ang tanging paraan upang ako ay makaalis
ay dahil nagsisi ako bago ako mamatay. Talagang huli nang magsisi kung ikaw
ay nasa baba roon. Ikaw ay maka pagsisi lamang bago ka mamatay. Hindi ka
maaaring manalangin na makaalis ka sa impiyerno at walang sinuman sa mundo
ang makapag-aalis sa iyo sa impiyerno sa pananalangin, walang sinuman. Kinakailangan
na ikaw mismo ang manalangin para sa iyong sarili. Ang Bibliya ay nagtuturo
na walang sinuman ang makapananalangin para sa mga patay, umalis na mga
kaluluwa at palalabasin sila sa impiyerno. Kinakailangan silang magsisi
bago mamatay.
Pagkatapos isang makinang na liwanag ang
sumilay sa akin at talagang hinila ako palabas ng kadiliman. Sinabi ng Bibliya
na isang dakilang liwanag ang sumilay sa kadiliman, sa kanila na na naglalakad
sa lilim ng kamatayan at kadiliman, at ginabayan ang kanilang mga paa sa
mga landas ng kapayapaan at katuwiran. Habang ako ay nakatayo roon isang
kamangha-manghang sinag ng liwanag lumagos sa kadiliman mula sa aking itaas
at nagliwanag sa aking mukha. Ang liwanag na ito ay nagpasimulang lumukob
sa akin at nagpasimula akong makadama ng isang kawalang bigat sumapit sa
akin. Pagkatapos nagpasimula kong madama ang aking sarili tumaas mula sa
lupa at nagpasimulang umakyat pataas sa napakaliwanag na puting ilaw na
ito.
IKAPITONG KABANATA – ANG
LIWANAG
Sapagkat ang Diyos, na nagsabi,
“Magkaroon ng liwanag sa kadiliman,”
ay ginawang maunawaan natin na ang liwanag
na ito
ay ang kaningningan ng kaluwalhatian ng
Diyos
na nakikita sa mukha ni Hesus.
2 Corinto 4:6
(New Living Translation)
Habang ako ay nakatingin pataas nakikita
ko na ako ay hinihila sa isang malaking hugis pabilog na bukasan malayo
sa aking ibabaw. Ayaw kong tumingin pabalik ng madalas baka muli akong bumagsak
pabalik sa kadiliman. Ako’y maligayang maligaya na makalabas sa kadilimang
iyon.
Sa aking pagpasok sa lagusan nakikita
ko na ang pinagmumulan ng liwanag ay nagmumula sa pinakadulo ng lagusan.
Ito ay mukhang katakatakang maliwanag, na tila baga na ito ang pinaka sentro
ng sansinukob. Mukhang ito talaga ang pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan,
ng lahat ng liwanag. Ito’y mas maliwanag pa sa araw, mas makinang pa sa
anumang alahas, anumang diamante, mas maliwanag kaysa isang liwanag ng laser.
Subalit ikaw ay makakatitig dito.
Habang ako ay nakatayo roon, ang mga alon
ng liwanag ay huminto at ako ay nakatindig na papaloob sa purong liwanag
puno ng pag-ibig. Mayroon doong sukdulang kapanatagan. Sinabi ko sa aking
sarili, “Ako’y napaka lapit, hindi ko alam kung kaya kong humakbang patungo
sa liwanag na nakapaikot sa Diyos at makita siya ng mukhaan. Kung makikita
ko siya ng mukhaan malalaman ko ang katotohanan.” Ako’y sawa na sa kakapakinig
ng mga kasinungalingan at mga panlilinlang. Gusto kong malaman ang katotohanan.
Ako’y naparoon na sa lahat ng lugar upang hanapin ang katotohanan, at walang
sinuman ang may kakayanang makapagsabi sa akin. Nakikipag-usap ako kahit
kanino na makapagsasabi sa akin kung ano ang kahulugan ng buhay, ang katotohanan,
kung ano ang nangyayari, anumang bagay na katotohanan. Naisip ko na kung
ako ay makakalakad papaloob at makatagpo ang Diyos mukha sa mukha. Malalaman
ko ang katotohanan at malalaman ko ang kahulugan ng buhay. Hindi na ako
magtatanong pa sa panibagong lalake, babae o bata kahit kailan. Alam ko.
Maaari ba akong pumasok? Walang anumang
tinig na nagsasalita na hindi. Kaya, pumasok ako, hinakbang ko ang mainam
kong paa sa harapan at pumasok sa liwanag. Nang ako ay pumasok sa liwanag
ito’y parang ako ay pumasok sa loob ng mga kurtina ng mga nakabitin na kumikinang
na mga ilaw, kagaya ng mga nakabitin na mga tala o diamante na nagbibigay
ng kanyang pinaka nakamamanghang liwanag. Ang liwanag ay nagpatuloy na pagalingin
ang pinaka malalim na bahagi ko, tulad ito ng pagpapagaling ng sirang panloob
na pagkatao ko, pagpapagaling ng aking basag na puso.
Inasinta ko ang pinaka makinang na bahagi
ng liwanag. Nakatindig sa gitna ng liwanag may nakatindig na isang lalaki
na may nagliliwanag na puting mga balabal na umaabot sa kanyang mga sakong.
Ang mga tela ay hindi pang taong tela kundi tulad ng mga kasuotan ng liwanag.
Habang ako ay tumitingin pataas nakikita ko ang dibdib ng isang lalake na
ang kanyang mga braso ay nakabukas para bang ako ay pinapapasok niya. Tinignan
ko ang kanyang mukha. Ito ay napaka liwanag; ito’y tila baga na sampung
doble ang kinang kumpara sa liwanag na nakita ko na. Naging dilaw at maputla
ang araw dito kung ikukumpara mo. Ito’y napaka liwanag hindi ko magawang
makita ang itsura ng kanyang mukha, at habang ako ay nakatindig doon nagpasimula
kong maramdaman na ang liwanag ay naglalabas ng kadalisayan, isang kabanalan.
Naunawaan ko ngayon na ako ay nakatayo sa presensya ng Diyos na Makapangyarihan
sa lahat – walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang mag-aanyong ganito.
Ang kadalisayan at kabanalan nagpatuloy na dumaloy mula sa kanyang mukha
at nagpasimula kong maramdaman na kadalisayan at kabanalan pumasok sa akin.
Nagnasa akong makalapit pa nang higit upang makita ang kanyang mukha. Wala
akong maramdamang takot kundi lubos na kalayaan habang ako ay papalapit
sa kanya. Nakatayo ako ngayon na ilang piye lamang ang layo sa kanya, sinikap
kong tignan sa loob ng liwanag na nakapalibot sa kanyang mukha habang ginagawa
ko ito kumilos siya sa isang gilid. Sa kanyang paggalaw ang lahat ng liwanag
ay gumalaw na kasama niya.
IKASIYAM NA KABANATA –
ANG PINTUAN AT ANG PAGPAPASYA
Ako (Jesus) ang Daan.
Sinuman ang pumasok sa pamamagitan ko ay
maliligtas;
siya ay papasok siya ay lalabas, at makakasumpong
ng pastulan.
Ang magnanakaw ay naparito lamang upang
siya ay magnakaw
at pumatay at mangwasak.
Ako ay naparito upang sila ay magkaroon
ng buhay, at kamtan ito nang masagana.
Ako ang Mabuting Pastol.
Iniaalay nang Mabuting Pastol ang kanyang
buhay para sa mga tupa.
Juan 10:9-11
(NASB)
Diretso sa likod ni Hesus ay may isang
pabilog na hugis na bukasan tulad ng lagusan (tunnel) na aking nilakbayan
pababa. Tumingin-tingin ako sa labas sa pamamagitan nito, nakikita ko ang
isang bagong daigdig na bumubukas sa aking harapan. Pakiramdam ko ay parang
nakatayo ako sa gilid ng paraiso, kinakamtan ang isang sulyap sa walang
hanggan.
Ito ay hindi pa nahihipo kailanman. Sa
aking harapan ay mga luntiang bukid at parang. Ang damo mismo ay nagbibigay
ng katulad na liwanag at buhay na naroon sa presensya ng Diyos. Wala akong
makitang sakit sa mga halaman. Tila baga na para bang kahit yapakan mo ang
damo ay muling titindig sa buhay. Bagaman ang gitna ng mga parang nakakakita
ako ng isang mala-kristal sa linaw na batis gumuguhit ito ng daan sa buong
kaparangan na may mga puno sa magkabilang gilid. Sa aking gawing kanan ay
mga bundok na may kalayuan at ang kalawakan sa itaas ay asul at malinaw.
Sa aking gawing kaliwa ay mga pagulong na mga luntian burol at mga bulaklak,
na nagliliwanag ng mga magagandang mga kulay. ‘Paraiso’. Alam ko na ako
ay para rito, nakapaglakbay na ako sa buong daigdig upang maghanap ng paraiso,
at alam ko na natagpuan ko na ito. Naramdaman ko na tila baga na kasisilang
ko lamang sa unang pagkakataon. Bawat bahagi ko ay alam na nasa tahanan
ako. Sa aking harapan ay nakaharap ang buhay na walang hanggan, isang hakbang
lamang ang layo.
Sa aking pagtatangkang humakbang pasulong
sa bagong daigdig na ito umatras si Hesus sa daraanan. Ang Bibliya ay nagsabi
na si Hesus ang daan na kung ikaw ay papasok sa pamamagitan niya, makakapasok
ka at makalalabas at makakasumpong ng mga luntiang pastulan. Siya ang pintuan
sa buhay. Si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang
makararating sa Ama kundi sa pamamagitan niya. Siya lamang ang tanging daan.
Mayroon lamang isang makitid na daanan na patungo sa kanyang kaharian. Kakaunti
lamang ang nakasusumpong nito. Marami ang nakasusumpong ng matulin na daanan
or mataas na daanan (highway) pababa sa impiyerno.
Tinanong ako ni Hesus ng tanong na ito
“Ian, ngayong nakita mo na gusto mo bang bumalik?” Naisip ko “Bumalik, syempre
hindi. Bakit pa ako babalik? Bakit pa ako babalik sa kapanglawan at samaan
ng loob? Hindi, wala na akong babalikan pa. Wala akong asawa o anak, wala
naman talagang nagmamahal sa akin. Gusto ko nang magpatuloy sa loob.” Subalit
hindi siya gumalaw kaya lumingon ako sa huling pagkakataon upang sabihin,
“Paalam malupit na mundo wala na ako rito!”
Habang ginawa ko, sa isang malinaw na
pangitain sa harap ng lagusan, nakatindig ang aking nanay. Habang nakikita
ko siya alam ko na ako ay nagsinungaling; mayroong isang tao na nagmamahal
sa akin – ang mahal kong nanay. Hindi lamang sa minahal niya ako, subalit
alam ko na ipinapanalangin niya ako araw-araw para sa aking buhay, at sinikap
niyang ipakita ang Diyos sa akin. Sa aking kayabangan at kapalaluan pinagtawanan
ko ang kanyang mga pananampalataya. Subalit siya ay tama, mayroong isang
Diyos at isang langit at isang impiyerno. Natanto ko kung gaano ito kasakim
na maraanan ang paraiso at iwan ang aking nanay na sumasampalataya na ako
ay napunta sa impiyerno. Wala siyang anumang kaalaman na ako ay may isang
panalangin sa banig ng kamatayan at nagsisi sa aking mga kasalanan at tinanggap
si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Tatanggap lamang siya
ng isang patay na katawan sa isang kahon mula sa Mauritius.
Kaya sabi ko, “Diyos, mayroon lamang isang
tao na nais ko talagang balikan at iyon ay ang aking nanay. Gusto kong sabihin
sa kanya na kung ano ang kanyang sinasampalatayanan ay tutoo, na mayroon
isang buhay na Diyos, na mayroong isang langit, at isang impiyerno, na mayroong
isang pintuan at si HesuKristo ang pintuang iyon at makararaan lamang tayo
sa pamamagitan niya”. Pagkatapos habang ako ay nakalingon muli, nakita ko
sa likod niya aking tatay, aking kapatid na lalake, at kapatid na babae,
aking mga kaibigan, at isang laksa ng mga tao sa likod nila. Ipinakikita
sa akin ng Diyos na mayroong maraming tao na hindi alam,at hindi malalaman
maliban kung gawin kong ibahagi sa kanila. Tanong ko, “Sino iyong iba pang
mga tao?” At sabi ng Diyos, “Kung hindi ka babalik, marami sa mga taong
ito ay hindi magkakaroon ng isang pagkakataon na mapakinggan ang tungkol
sa akin dahil marami hindi maglalagay ng kanilang paa sa loob ng isang simbahan”.
Sabi ko, “Diyos gusto kong bumalik at
sabihin sa lahat sa kanila. Ako’y nakarating dito ng minsan, hindi ko rin
talaga alam kung papaano ako nakarating dito, subalit tiyak na malalaman
ko rin. Kung minsan nakarating ako rito, alam ko na makakabalik akong muli.
At nais kong siguraduhin na makababalik ako” sabi ko, “Diyos, papaano ako
babalik? sa pamamagitan ng lagusan sa kadiliman, pabalik sa loob ng aking
katawan? Papaano ako makababalik? Hindi ko nga alam kung papaano ako kung
papaano ako nakarating dito.” At sabi ng Panginoon, “Kung ikaw ay babalik
dapat mong tignan ang mga bagay sa isang bagong liwanag.” Naunawaan ko na
kinakailangan ko ngayong tignan sa pamamagitan ng kanyang mga mata, ang
kanyang mata ng pag-ibig at pagpapatawad. Kinakailangan kong tignan ang
mundo tulad ng pagtingin niya rito – sa pamamagitan ng mga mata ng walang
hanggan.
At ang sabi ko “Diyos, papaano ako makababalik?
Hindi ko alam kung papaanong bumalik.” Sabi niya, “Ian ipihit mo ang iyong
ulo…ngayon damhin mo ang dumadaloy na tubig sa iyong mga mata…ngayon buksan
mo ang iyong mga mata at tumingin.”
IKASAMPUNG KABANATA – ANG
PAGBABALIK
Sinaklolohan mo ako mula sa kamatayan;
iningatan mo ang aking mga paa mula sa
pagdupilas.
Kaya ngayon makalalakad ako sa iyong presensya,
O Diyos,
sa iyong liwanag na nagbibigay-buhay.
Awit 56:13
(Bagong Buhay na Salin)
Pagdakay nabalik ako sa loob ng aking
katawan. Ang aking ulo ay nakapihit sa kanan at ang isa kong mata ay dilat.
Ako’y nakatingin sa isang batang Indian na doktor na ginawang nakataas ang
aking kanang paa sa kanyang kamay at sinusundot ng isang matalas na instrumento
ang talampakan ng aking paa. Siya ay naghahanap ng anumang mga tanda ng
buhay. Hindi niya alintana na ako ay buhay na at nakatingin sa kanya. Namamangha
ako kung ano ang mayroon sa mundo na ginagawa niya, pagkatapos ang barya
ay nahulog; “Ang isip niya ako ay patay na!” Sa oras ding iyon huminto ang
doktor sa kanyang ginagawa at ipinihit ang kanyang ulo sa direksyon ng aking
mukha. Habang ang aming mga mata ay nagkatagpo, sindak ay nagwalis sa ibabaw
ng kanyang mukha, tila baga na siya ay nakakita ng isang multo. Ang dugo
ay nawala sa kanyang mukha at siya ay umalis na parang puting papel. Ang
kanyang mga paa ay kamuntik nang umalis sa lupa.
Tigatig hiniling ko sa Diyos na bigyan
ako ng lakas na pihitin ang aking ulo sa kaliwa at hanapin ang kabilang
banda. Habang pinipihit ko ang aking ulo pakaliwa nakita ko ang mga nars
at mga tagapag-ayos sa pintuang daanan nakatitig sa akin sa pagkamangha
at sindak. Maliwanag na ako ay patay sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Pakiramdam
ko ay mahina at isinara ko ang aking mga mata, subalit dali-dali kong binuksan
muli upang masubukan na ako ay naroon pa rin sa aking katawan. Hindi ako
sigurado kung ako ay muling mawawala o hindi na. Ako ay sobrang pagod. Isinara
kong muli ang aking mga mata at nakatulog ng mainam.
Hindi ako gumising muli hanggang sa sumunod
na hapon. Gumising ako upang makita ang aking kaibigan na si Simone nakatayo
sa labas ng aking silid. Mukha siyang maputla at iniiling ang kanyang ulo.
Hindi siya makapaniwala na ako ay buhay. Sinundan niya ang aking pinagdaanan
sa ospital at nagdala ng isang kaibigan ko na galing New Zealand. “Mukhang
nagkaroon ka ng isang masalimuot na gabi aye?” Tanong ng kaibigang ito.
“Oo kasama.” Tugon ko. “Hindi ko talaga alam ang tunay na nangyari.” Hindi
ko nais sabihin - “Sa katunayan – namatay ako!” Ako ay nakikipagbuno pa
rin sa lahat nang nangyari at ayaw kong sabihin nila “Duon ka sa gomang
silid – masyado kang maraming tinanggap na droga at ito ay lumalabas sa
butas ng iyong mga tainga!”
“Ang lugar na ito ay nangangamoy na tulad
ng isang latrine.” Sabi nila. “Aalisin ka namin sa lugar na ito. Aalagaan
ka namin.” Tinutulan ko sila – Gusto kong manatili sa ospital. Subalit dinampot
nila ako, inilagay nila ako sa kanilang mga balikat at ako ay inilakad palabas.
Dumating ang doktor at sinikap na pigilan sila subalit tinulak nila siya
paalis sa daraanan. Isang taxi ang nag-aantay. Ayaw ni Simone na sumakay
sa taxi kasama ako, marahil takot na ako ay isa nang multo o anu pa man.
Dinala nila ako sa bahay sa aking bungalo sa tabing dagat at inilagay ako
sa higaan. Pagkatapos, lumabas silang diretso sa sala para sa isang kasiyahan
o party upang magdiwang sa aking muling pagbabalik!
Ako ay pagud na pagod at gutom. Natulog
akong muli at nagising nang hating-gabi nanginginig at pinapawisan. Ang
puso ko ay puno ng sindak. Ako’y nakahiga na nakaharap sa dingding. Ako
ay gumulong patihaya upang makita kung ano ang nagbibigay ng takot sa akin.
Sa labas ng aking kulambo at sa mga rehas na bakal ng aking mga bintana
nakakakita ako ng mga mata, marahil pito o walong pares ng mga mata nakatingin
sa akin. Mayroon isang pulang ilaw sa kanila. Sa halip na bilog na mata
sila ay may roong matang kagaya ng sa pusa. Tila baga na sila ay kalahating
tao, kalahating hayop. Naisip ko, “Ano sa mundo kaya sila?” Tumingin sila
sa aking mga mata at ako ay tumingin sa kanila at nagpasimula kong marinig,
“Ikaw ay sa amin at kami ay muling babalik.” “Hindi, hindi ninyo kaya!”
Sabi ko. Hinawakan ko ang aking lente at inilawan ko sila. Walang anuman
roon. Subalit alam ko na kakikita ko lamang sa kanila!
Nagtataka ako kung nasisiraan na ako ng
ulo. Nagpasimula kong maramdaman na para bang bibigay ang aking pag-iisip.
Kinakailangan kong payapain ang aking sarili at kumbinsihin ang aking sarili
na hindi ako mababaliw. Marami na akong pinagdaanan sa nakalipas na 24 na
oras. Kaya sabi ko, “Diyos, ano ang nangyayari?” Pagkatapos unti-unti niya
akong dinala sa lahat ng bagay na aking napagdaanan. Tila baga na ito ay
pinaso niya sa aking isipan. Sa bandang huli nito sabi ko, “Mabuti Diyos,
ano ang mga bagay na ito na tila gusto akong lapain?” Sumagot siya, “Ian,
tandaan mong muli ang panalangin ng Panginoon.” Kaya sinikap kong alalahanin
itong muli sa pamamagitan ng aking isipan subalit hindi ko kaya. Pagkatapos
mula sa aking puso lumabas ang lahat ng mga salita at ipinanalangin ko ito
hanggang sa ‘iligtas mo ako sa masama’. Ipinanalangin ko ito mula sa aking
puso. Pagkatapos sabi ng Diyos, “Isara mo ang ilaw Ian.” Inipon ko ang aking
tapang at isinara ang pangunahing ilaw. Naupo ako sa gilid ng aking higaan
na nakabukas ang aking lente. Dama ko na ako ay parang isang Jedi na mandirigma
mula sa Star Wars! Nagpasimula kong isipin, “Kung hindi ko isasara ang aking
lente o ilawan gugugulin ko ang buong buhay ko na bukas ang ilawan sa pagtulog.”
Isinara ko ang lente. Walang nangyari. Ang panalangin ay naging mabisa.
Nahiga ako at tumungo sa pagtulog.
IKALABING ISANG KABANATA
– PAGTINGIN SA ISANG BAGONG LIWANAG
Laging magbantay.
Manindigang matatag sa iyong sinasampalatayanan.
Maging matatag.
Maging malakas.
1 Corinto 16:13
(Bagong Buhay na Salin)
Nang sumunod na umaga bumangon ako at
inihanda ko sa aking sariling almusal. Ang aking mga kaibigan ay nagpasukan
mula sa kanilang pang-umagang laro sa alon at nagpasimulang makipag-usap
sa akin. Nagpasimula kong makita na kung ano ang kanilang sinasabi ay hindi
naman talaga ito ang tunay na pakahulugan. Naguluhan ako rito, na tila baga
nakakarinig ako ng dalawang mensahe. Nagpasimula kong makita ang loob ng
kanilang mga maskara. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay nagpasimula
kong makita ang mga bagay sa isang bagong liwanag. Nakikita ko na ang layunin
ng kanilang mga puso ay lubusang taliwas sa kung ano ang lumalabas sa kanilang
mga labi. Ito’y nakakatakot para sa akin dahil hindi ko alam kung papaano
kumilos sa ganoong uri nang pang-unawa. Kaya bumalik ako sa aking silid
tulugan, at nanatili roon.
Nang gabing iyon muli akong nagising sa
isang malamig na pawis. Mayroong ilang bagay sa malapit ang nagbibigay ng
takot sa akin. Pinihit ko ang aking ulo upang makita at sa aking pagkasindak,
ang mga demonyo ay naroon na sa aking silid-tulugan nakatingin sa akin sa
loob ng aking kulambo. Subalit dahil sa ilang kadahilanan hindi sila makalapit
sa akin. Dinuduro nila ako subalit hindi talaga nila ako malapitan. Sa aking
puso mayroon akong isang malalim na kapayapaan. Alam ko na nakita ko ang
liwanag ng Diyos at ang liwanag na iyon ay nasa akin na ngayon. Gaano man
kaliit ang apoy, ito ay nasa akin at hindi sila makalapit. Subalit siguradong
sinisikap nilang sindakin ako at ibalik akong muli.
Hinawakan kong muli ang lente. Sa pagkakataong
ito ako ay takot na lumabas sa aking higaan upang buksan ang ilaw dahil
sila ay nasa loob ng aking silid. Hindi ko alam kung anung kapangyarihan
ang mayroon sila. Subalit inilawan ko sila ng aking lente palibot ng silid,
lumukso palabas sa higaan at binuksan ang ilaw. Pagkatapos bumagsak ako
sa sahig sa aking tuhod. Nakipagdigmaan ako sa aking isipan muli, sinisikap
lamang na mapanatili ang aking katinuan. Muli nanalangin ako ng panalangin
ng Panginoon at pagkatapos ako ay bumalik matulog.
Mayroon pang dalawang gabi bago ako lumipad
paalis ng Mauritius papuntang New Zealand. Nang sumunod na gabi ako ay nagising
sa pamamagitan ng isang pagtatapik sa aking bintana. Ito’y isang babae nagsasabi,
“Ian, gusto kong makipag-usap sa iyo, papasukin mo ako.” Habang kilala ko
ang babae wala akong iniisip tungkol dito. Kalahating tulog naglakad ako
patungong pintuan at binuksan ito. Nang oras na buksan ko ang pinto sinakmal
niya ito at nakita ko ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang kaparehong bahid
na pula sa kanyang mga mata na nakita ko sa mga mata ng mga dumadalaw sa
akin sa huling dalawang gabi. Nagsimula siyang magsalita sa ganap na Ingles.
Siya ay isang Creole at kaylan man hindi pa nagsalita ng ganap na Ingles.
Sinabi niya, “Sasama ka sa amin ngayong gabi Ian. Dadalhin ka namin sa ilang
dako.” Pagkatapos nakarinig ako ng iba pang mga yabag na paparating. Sinikap
kong hilahin pasara ang pinto subalit ito ay tila baga na ang babae ay nagkaroon
ng kakaibang lakas at hindi ko ito magalaw. Pagkatapos mula sa aking puso
lumabas ang mga salita, “Sa pangalan ni Hesus – alis!” Umikit siya paatras
na para bang sinuntok siya sa dibdib. Habang tinitignan ko siyang umaatras
at inihampas ko ang pinto pasara sa kanyang mukha at ikinandado ito. Ako
ay ligtas para sa ilang sandali.
Sa wakas ito na ang aking panghuling gabi
at naimpake ko nang lahat at handa nang umalis. Isang taxi ang susundo sa
akin sa ika 5 ng umaga. Natulog ako subalit nagising sa hating gabi, sa
pagkakataong ito ng mga batong tumatama sa bintana. Ito ay ang babae na
naman. Ako ay naka handa na at nagsara ng mga pintuan subalit naiwan kong
bukas ang isang maliit na bintana. Naisip ko, “Anuman ang mga nilalang na
ito, sila ay nasa labas upang ako ay patayin at ginagamit nila ang mga tao
upang gawin ito!” Ako ay patalon na sana at isasara ang bintana nang isang
malaking itim na braso ang lumabas dito at pinihit ang trankahan. Narinig
ko ang babae marahan na nagsasalita, “Ian, gusto naming kausapin ka. Lumabas
ka.” Ako’y nagpapanggap na natutulog at ang mga bato ay tumamang muli sa
aking mga bintana. Sa pagkakataon ito siya ay maingay, “Ian, lumabas ka.”
Pagkatapos mas mabibigat na bato ang nagdatingan sa loob ng bintana at siya
ay galit na ngayon, “Ian, lumabas ka!!” Bigla akong lumingon at nakita ko
ang isang sibat dumarating sa pamamagitan ng bukas na bintana patungo sa
akin. Hinawakan ko ang aking lente. “Ang pinaka magaling na depensa ay salakay.”
Naisip ko at inilawan ko ng aking lente ang mga mata ng nagtatapon ng sibat.
Naroroon na naman ang mapulang bahid! Tumindig akong humihiyaw kung ano
ang lahat kong kahalagahan, hinawakan ang kanyang sibat at ipinukol ko itong
pabalik sa kanya kaya nabitiwan niya ito. Itinapon ko ito papalabas ng bintana
at ihinampas ang bintana pasara. Dali-dali inilawan ko ng aking lente sa
labas ang tatlong lalake at isang babae. Sila’y nagpulasan papalayo tulad
ng mga aso na malapit nang batuhin. Ang nakamamangha sa akin ay kung gaano
sila nahintakutan sa liwanag.
Ako’y labis na natigatig na nanatili akong
gising sa buong magdamag sa paghahantay sa pagdating ng taxi. Subalit hindi
ito dumating. Ginising ko ang aking mga kaibigan sa paglalaro sa alon at
pinakiusapan kung maaari umalis upang hanapin ang taxi. Nakita nila itong
sira na. Mayroong nagtulos ng mga tungkod na bakal sa kanyang radiator noong
gabi. Ito ang kaisa-isang taxi sa bayan. Pinakiusapan ko ang aking kaibigan
na pumunta sa kasunod na bayan at kumuha ng isang taxi para sa akin doon.
Kamuntik na rin siyang hindi na makabalik, habang sa mga oras na ito mayroong
isang grupo ng mga Creole sa labas ng aking bahay na may dalang patpat at
ang tsuper ay tinakot para umalis sa pamamagitan nila. Nakalabas kami roon
at nakasakay ako sa aking biyahe papunta sa New Zealand daraan sa Australia.
Sa Perth nagkita kami ng aking nakababatang
kapatid na lalake na nakatira roon. Sinikap kong sabihin sa kanya ang mga
nakita ko. Siya ay gulat na gulat at hindi makapaniwala rito. Natulog ako
sa kanyang silid nang gabing iyon dahil lumipad siyang papuntang Sri Langka,
at sa hating gabi nagising ako sa pag-atake ng isang demonyong may puting
mata. Kumaripas ako ng takbo palabas ng silid at nakitang nakaupo sa painitan
(fireplace) ang isang maliit na Buddha. Habang nakatingin ako rito nagsalita
ang Diyos sa akin na ang demonyong may puting mata ay lumabas mula sa diyus-diyosang
ito. Ako’y namangha! Ngayon nalaman ko na ang karanasan ko sa mga diyus-diyosan
sa Colombo ay sa demonyo. Pagkatapos naglakbay akong patungong Melbourne
at Sydney at nagkaroon din nang magkatulad na mga karanasang espiritual.
Pinagpasyahan kong iklian ang aking biyahe sa Australia at bumalik kaagad
sa New Zealand.
Sa eroplano pababa sa Auckland tinanong
ko ang Panginoon, “Kung ano na ako ngayon?” suot ko ang aking Walkman na
tumutugtog ang ‘Men at Work’. Isang tinig ang nagsalita sa ibabaw ng tugtugan
sa Walkman at nagsabi, “Ian, ikaw ay naging isang ipinanganak na muling
Kristiayano.” Inalis ko ang aking Walkman at tiniyak kong walang sinuman
sa paligid ko ang nagsabi nito. Pagkatapos inabot ko ang aking bag para
sa aking madilim na mga salamin (dark sunglasses). Inilagay ko sila at sa
lugar na inilaan nila sa akin na nakahiwalay marahan akong sumigaw. Isang
Kristiyano! Iyon ba ako noon? Sino ba ang gustong maging isang Kristiyano?
Hindi pa ito sumagi sa akin na kung ano ang nangyari sa akin.
Kinuha ako ng aking mga magulang sa paliparan.
Balik sa tahanan, iniwan ng nanay ko ang aking silid tulugan na taglay ang
mga larawan ng mga laro sa alon siyang siya nang iwan ko ito may dalawang
taon nang nakalilipas. Tulad ito ng paglalakad sa loob ng isang hibla ng
oras. Bumalik ako sa tahanan para sa isang kanlungan. Natulog ako nang gabing
iyon at nagising nang hating gabi ng isang bagay na nagyuyugyug sa akin.
Sa mga panahong ito alam ko na kung papaano ko sila papaalisin sa paggamit
ng pangalan ni Hesus at ang panalangin ng Panginoon. Dapat silang umalis.
Subalit ano ang ginagawa nila sa aking silid tulugan, sa aking bahay? Ako’y
nagagalit! Ako’y tumindig at nagpasyang bigyan sila ng isang masakit na
salita! Kaya nagpatuloy ako rito! Nagising ko ang aking mga magulang subalit
nagpatuloy ako rito! Naupo ako sa aking higaan at nagsabi “Diyos- Ako’y
pagod na sa mga bagay na ito hinahagad ako sa kalagitnaan ng gabi. Ano ang
kinakailangan kong gawin upang mapalayas sila?” Tunugon siya, “Basahin mo
ang Bibliya.” Sabi ko, “Sa susunod sasabihin mo sa akin na pumunta ako sa
simbahan! Wala akong Bibliya!” “Iyong tatay mo ay mayroon – pumunta ka at
hingin mo ito sa kanya.” Kaya ginawa ko. Nagsimula akong magbasa mula sa
pasimula;
Nang pasimula ginawa ng Diyos ang mga langit at ang lupa.
Ang lupa ay hungkag, isang walang anyong tumpok nadamtan ng kadiliman. At
ang Espiritu ng Diyos ay gumagala sa ibabaw ng kanyang mukha. Pagkatapos
sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon nga ng liwanag. At
nakita ng Diyos na ito ay mabuti. Pagkatapos ihiniwalay niya ang liwanag
sa kadiliman.
Napaiyak ako nang mabasa ko ito. Naisip
ko, “Ako’y naging sobrang palalo. Nanggaling ako sa pamantasan at pinag-aralan
ang lahat ng uri ng aklat subalit hindi man lamang ako nakasulyap sa isang
aklat na makapagsasabi sa akin ng katotohanan.” Sa sumunod na anim na linggo
binasa ko mula Genesis hanggang Pahayag.
Ako’y sumusunod kay HesuKristo bilang
aking personal na Panginoon at Tagapagligtas mula sa karanasang ito noong
1982. Ako ay isang ministrong na italaga sa Assembly Of God church dito
sa New Zealand. Naglingkod akong sa ang mga mamumugot ng ulo sa Broneo at
sa mga kampo ng mga nanganganlungan sa Timog-Silangang Asya. Nagpastor ako
at ang aking asawa sa mga iglesia at ako ay naglakbay sa 24 na iba’t –ibang
mga bansa ibinabahagi ang patotoong ito.
Sinabi ni Hesus “Ako ang liwanag ng sanglibutan.
Sinuman ang lumalapit sa akin ay hindi na lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon
ng liwanag ng buhay” Juan 8:12
Isinalin sa Tagalog ni Reyn Araullo
Ika-14
ng Mayo, 2008-05-17
e-mail: pastorrey@gmail.com