[NARINIG MO NA BA ANG Apat na Tuntuning Espiritual?]


Kung paanong may batas na pisikal na sinusunod ang daigdig, gayon din naman, may mga tuntuning espirituwal na may kinalalaman sa iyong kaugnayan sa Diyos.


UNANG TUNTUNIN

INIIBIG KA NG DIYOS AT SIYA'Y MAY MAGANDANG PLANO SA IYONG BUHAY.

(Hangga't maari, ang mga talatang binabanggit sa libritong ito ay dapat basahin sa kanilang kabuuan mula sa Bibliya.)

Ang Pag-ibig ng Diyos
"Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16).

Ang Plano ng Diyos
(Si Cristo ang nagsasalita) "Ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito" (Juan 10:10).

Bakit ang karamihan ay hindi nakararanas ng masaganang buhay?
Sapagka't...


IKALAWANG TUNTUNIN

ANG TAO AY MAKASALANAN AT NAHIWALAY SA DIYOS, KAYA'T HINDI NIYA MAAARING MALAMAN AT MARANASAN ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIYOS SA KANYANG BUHAY.

Ang Tao ay Makasalanan
"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng diyos" (Roma 3:23).

Ang tao ay nilikha upang makasama ng Diyos, subali't ayaw niyang pasakop sa Diyos. Humiwalay siya ng daan, na ikinasira ng pakikisama niya sa Diyos. Ang katigasang ito ng tao na nakikilala sa tahasang pagsuway o pagwawalang bahala ay nagpapatunay sa tinatawag ng Bibliya na kasalanan.

Nahiwalay ang Tao sa Diyos
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (espirituwal na pagkahiwalay sa Diyos) (Roma 6:23).

Inilalarawan dito na banal ang Diyos at makasalanan ang tao, at sila ay magkahiwalay. Patuloy na nagsisikap ang tao na maabot ang Diyos at ang masaganang buhay sa pamamagitan ng kaniyang sariling paraan, tulad ng mabuting kaugalian, pilosopiya o relihiyon.

Ipinaliliwanag ng ikatlong tuntunin ang tanging paraan upang matugunan ang suliranin ng tao....


IKATLONG TUNTUNIN

SI JESUS-KRISTO ANG TANGING LUNAS SA KASALANAN NG TAO. SA PAMAMAGITAN NIYA AY MALALAMAN MO ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIYOS SA IYONG BUHAY.

Namatay Siya Para sa Atin
"Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin" (Roma 5:8).

Nabuhay Siyang Muli
"Si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan... At Siya'y inilibing, at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; At Siya'y napakita kay Pedro, saka sa labindalawa. Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid..." (1 Corinto 15:3-6).

Siya ang Tanging Daan Patungo sa Diyos
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, 'Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinomn ay di makapaparoon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko'" (Juan 14:6).

Inilalarawan dito na nilutas ng Diyos ang pagkakahiwalay natin sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo upang mamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan..

Hindi sapat na malaman lamang ang tatlong tuntuning ito...


IKA-APAT NA TUNTUNIN

KINAKAILANGAN NATING TANGGAPIN SI JESU-CRISTO NA ATING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON; SAKA LAMANG NATING MALALAMAN AT MARARANASAN ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIYOS SA ATING BUHAY.

Ang Pangangailangan ng Pagtanggap kay Cristo
"Datapwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, samakatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kanyang pangalan." (Juan 1:12)

Ang Pagtanggap kay Cristo ay sa Pamamagitan ng Pananampalataya
"Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri" (Efeso 2:8,9).

Ang Pagtanggap kay Cristo sa Pamamagitan ng Paanyayang personal
(Si Cristo ang nagsasalita): "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya" (Apocalipsis 3:20).

Ang pagtanggap kay Cristo ay nangangailangan ng pagbabalik-loob sa Diyos (pagsisisi) at pagtitiwala kay Cristo na papasok sa ating buhay, magpapatawad sa ating mga kasalanan at babaguhin ang ating buhay ayon sa Kanyang kalooban. Ang malaman lamang o sumang-ayon na si Jesus-Cristo ay ang Anak ng Diyos at Siya'y namatay sa krus par sa ating mga kasalanan ay hindi sapat. Hindi rin sapat. Hindi rin sapat ang magkaroon lamang ng emosyonal na karanasan. Ang pagtanggap kay Jesus-Cristo ay sa pamamagitan ng pananampalataya, isang kapasiyahan ng kalooban.

Ang dalawang larawan ay kumakatawan sa dalawang uri ng buhay:

Aling larawan ang kumakatawan ng iyong buhay?
Aling larawan ang ninanais mong kumatawan ng iyong buhay?
Ipinaliliwanag ng mga sumusunod kung paano tatanggpin si Cristo:


SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, MAARI MONG TANGGAPIN SI CRISTO NGAYON DIN SA PANANALAGIN.
(Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Diyos)

Alam ng Diyos ang katayuan ng iyong puso at hindi Niya pinapansin ang paraan ng pagsasalita kundi ang nilalaman ng iyong puso. Ang sumusunod ay isang mungkahing panalangin lamang:

Panginoong Jesus, kailangan kita. Salamat sa pagkamatay mo sa krus para sa aking mga kasalanan: Binubuksan ko ang aking puso at tinatanggap Kita bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Salamat po sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan. Ikaw po ang maghari sa trono ng aking buhay. Gawin Mo po akong isang taong namumuhay ayon sa lyong kalooban. Amen.

Ang panalangin bang ito ang nais ng iyong puso?

Kung gayon nga, idalangin ito ngayon din at si Cristo'y papasok sa iyong buhay, tulad ng Kanyang ipinangako.


Paano Malalaman Na Si Cristo'y Nasa Ating Buhay

Tinanggap mo ba si Cristo sa iyong buhay? Sang-ayon sa Kanyang pangako sa Apocalipsis 3:20, nasaan na si Cristo ngayon? Sinabi ni Cristo na papasok sa iyong buhay. Magsisinungaling ba Siya sa iyo? Paano mo nalaman na sinagot ng Diyos ang iyong panalangin? (Ang katapatan ng Diyos at ng Kanyang Salita ang katunayan. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako.)

Ipinangangako ng Bibliya ang Buhay na Walang Hanggan sa Lahat ng Tatanggap kay Cristo
"At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kaniyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; (ngayon din) ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan" (1 Juan 5:11-13).

Pasalamatan mong lagi ang Diyos na si Cristo'y nasa iyong buhay at hindi ka Niya iiwan (Hebreo 13:5). Malalaman mo sa pamamagitan ng Kanyang pangako na si Cristo'y nananahan sa iyo at ikaw ay may buhay na walang hanggan, mula nang Siya'y papasukin mo sa iyong buhay. Hindi ka Niya dadayain.

Isang mahalagang paalala...


HUWAG UMASA SA PAKIRAMDAM

Ang pangko ng Salita ng Diyos at hindi ang ating pakiramdam ang ating batayan. Ang Kristiyano ay nabubuhay sa pananampalataya (pagtitiwala) sa Diyos at sa Kanyang Salita. Ang trak ay naglalarawan ng kaugnayan ng katotohanan (Diyos at ang Kanyang Salita), pananampalataya (ang ating pagtitiwala sa Kanya at sa Biblyia) at pakiramdam (ang bunga ng ating pagtitiwala at pagsunod) (Juan 14:21).

Ang trak ay tatakbo kahit wala ang treyler. Subalit ito'y hindi maaaring tumakbo kung treyler ang hihila. Katulad din nito, ang isang Kristiyano na hindi umaasa sa pakiramdam o emosyon, kundi ang pagtitiwala niya ay sa Diyos at sa mga pangako ng Kanyang Salita.


NGAYONG TINANGGAP MO NA SI CRISTO

Sa sandaling tinanggap mo si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya, maraming bagay ang nangyari, kasama ang mga sumusunod:

  1. Si Cristo ay pumasok sa iyong buhay (Apocalipsis 3:20 at Colosas 1:27).

  2. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan (Colosas 1:14; 2:13);

  3. Ikaw ay naging anak ng Diyos (Juan 1:12).

  4. Ikaw ay nagkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 5:24).

  5. Nagsimula ka nang mamuhay sang-ayon sa kalooban ng Diyos (Juan 10:10; II Corintos 5:17 at 1 Tesalonica 5:18).

Mayroon pa bang ibang bagay na hihigit pa kaysa pagtanggap kay Cristo? Nais mo bang pasalaamatan ang Diyos ngayon din dahil sa ginawa Niya sa iyo? Sa pagpapasalamat mo sa Diyos, pinatutunayan mo ang iyong pananampalataya.


MGA MUNGKAHI SA PAGLAGO SA BUHAY KRISTIYANO

Ang paglago sa buhay Kristiyano ay bunga ng pagtitiwala kay Cristo. "Ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya" (Galatia 3:11). Ang buhay na may pananampalataya ay makakatulong sa iyo upang patuloy na ipagkatiwala mo sa Diyos ang bawa't bahagi ng iyong buhay at upang gawin ang mga sumusunod:

  1. Manalangin sa Diyos araw-araw (Juan 15:7).

  2. Basahin ang Biblyia araw-araw (Mga Gawa 17:11)- magsimula sa ebanghelyo ni Juan.

  3. Sundin ang Diyos tuwina (Juan 14:21).

  4. Magpatotoo para kay Cristo sa pamamagitan ng iyong buhay aat salita (Mateo 4:19; Juan 15:8).

  5. Ipagkatiwala ang bawa't bahagi ng iyong buhay sa Diyos (1 Pedro 5:7).

  6. Magpasakop sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Galatia 5:16,17; Mga Gawa 1:8).


MAHALAGA ANG PAGDALO SA PAGTITIPON NG MGA MANANAMPALATAYA

Sa Hebreo 10:25, sinasabihan tayo na huwag kaliligtaan "ang pagdalo sa ating mga pagtitipon..." Maningas ang apoy pagtabi-tabi ang maraming kahoy; ihiwalay mo ang isa at mamamatay ang dingas nito. Gayon din naman ang kaugnayan mo sa ibang mga mananampalataya. Kung hindi ka pa kaanib ng isang sambahan, huwag mong hintaying anyayahan ka pa. Magkusa kang dumalo sa isang sambahang si Cristo ang sinasamba at ang Salita ng Diyos ang ipinangangaral. Simulan sa darating na Linggo ang palagiang pagdalo.

MGA BABASAHING MAKATUTULONG SA PAGLAGO SA BUHAY KRISTIYANO  
Isang sunod-sunod na pag-aaral ng Biblyia at marami pang mga babasahin ang ipinamamahagi. Para sa karagdagang kaalaman, sumulat sa Philippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458, Manila, 1099.


KUNG NAKATULONG SA IYO ANG MUNTING AKLAT NA ITO PAKIBAHAGI SA ISANG KAIBIGAN O KAKILALA.

May mga 100,000,000 kopya ng Apat na Tuntuning Espirituwal ang nalimbag at ninanais ng Campus Crusade for Christ na ang mensahe ng libritong ito ay maipamahagi sa karamihan. Dahil dito, ang aklat na ito ay maaaring gamitin ninuman o ng alinmang samahan na magnanais. Ang bahagi sa ibaba ay para sa layuning iyon.

Upan mapanatili at mapangalagaan an nilalamanng libritong ito, anumang bahagi ay hindi maaaringipalimbag sa anumang kaayusan na walang pahintulot mula sa Phillippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458. Manila 1099. Printed April 1997.