×
Home: Mobile Home: Original Style Christian Netflix Jewish Stories X-Witch X-Muslim MP3 Bible Bible Movies Gospel Videos Godly Movies CBN Videos Kids Videos Worship Music Vids for New Believers Random Video Ask AI Bible Questions What's New
  Kat Kerr   Anna Rountree   Mary Baxter   Several #1   Several #2   Choo Thomas   Ian McCormack   Burpo   I saw His Glory   7 Colombian Youths   Heavenly Blood   Heaven Testimonies
  Lazarus   Bill Wiese   Mary Baxter   Dr. Rawlings   J. Perez   Hepzibah   Ptr. Park   7 Columbian Youths
  Atomic Prayer   Prayers that ROUT demons   Warfare + Blessing   Healing   Declaration   101 Decrees   Prayers to Cover Everything   Tongues   Rosary   Artic Fire   Why Should We Pray?   Why Bother
  MP3 Bible   10 Commandments   Learn Bible in 24 Hours   40 Spiritual Lessons   Alpha   Foundations   Bible Commentaries   Book of Mormon   Temple Study   Red Letters   Divine Healing Training   God Story   Gap Theory   Creation to Christ   Book of John   Kids Bible Cartoons   Derek Prince Teaching   Jesus Film   Digital Bible   Bible Codes ELS   Memorize the Bible   Bible Games
  Passion of Christ   New Jesus Film   Introduction   Names of God   Jesus IS...   Jesus Film   That's My KING   Father's Love Letter   Celestial Hug
  Warfare Training 1   Warfare Training 2   Casting Out demons   Combat   Examples   Warrior King   Exorcism   Prayer   Deliverance Song   Ask Him   demonology   Clarita   NUWI
  Final Quest   The Call   Tommy Hicks   3 Days   Angel Song   The Prison   H.A.Baker
  Best #1   Best #2   Spiritual Food   Generals   Ramirez   Bishop Kelley   Gary Wood   Roland Buck   Rees Howells   Baptized by Fire   Sid Roth   Todd White   Gary Beaton   Victor Marx   Akiane   Theo Nez   Nun's Story   Retha McPherson   Tomas Welch
  Booth's Vision   Frank Jenner   Hell's Best Kept Secret   EE-Taow   Manifesting Power   LivingWaters   Atheist Delusion   Using AI for Jesus   Sharing w/ Muslims   Sword + Serpent
  Revival Hymn   Jesus in China   Freemason Curruption   Modern Child Sacrifice   the WAR on Children   XGay   Transformations   Ark of Covenant   Soul Ties   Last Reformation   Noah's Ark Found   Does GOD Exist   Political Issues   Fake Mountain   7 Mountains   ID vs Evolution   Bible Science   American History   China Records   Case: Creator   Case: Christ   Case: Faith   Little Lessons   Deadly Mistakes   Enemies Within   Chinese Characters   Global Warming   The Final Frontier   Understanding Israel   Testing Joseph Smith   Targeting Kids
  X-Muslim   Journey of Hope   Islam Rising   ACT   Jihad   Best Muslim Story   Enemies Within   Answering Islam   Killing for Heaven   Killing the Infidel
  Downloadable MP3 Worship Music   Online Worship Music  DivineRevelations University   Free Posters   Christian Pictures   Kids Christian Cartoons   Bible Trivia   End Times Visions   Fractal Praise   Soaking Music   Communion Verses   Bobby Conner   Brother Yun   Civil War   Prayer Tank   Fiscal Cliff   Understanding Economics   Who takes the Son   Christian GPTs
  All Languages   Afrikaans   Albanian   Amharic   Arabic   Bengali   Bulgarian   Burmese   Cambodian   Catalan   Chinese   Czech   Danish   Dutch   Farsi   Finnish   French   German   Greek   Gujarati   Hausa   Heberw   Hindi   Hungarian   Indonesian   Italian   Japan   Kannada   Khazanah   Korean   Laos   Malagasy   Malayalam   Malaysian   Marathi   Mongolian   Nepali   Norwegian   Oriya   Polish   Portuguese   Punjabi   Romanian   Russian   Somali   Samoan   Serbo_Croatian   Sinhala   Slovak   Slovenian   Spanish   Swahili   Swedish   Tagalog   Tajik   Tamil   Telugu   Thai   Tongan   Turkish   Ukrainian   Urdu   Uzbek   Vietnamese
 About  Disclaimer  Phone# USA 425-610-9216  lanqingdai-dr@yahoo.com  Donate
Follow on YOUTUBE  YouTube Follow on Facebook  Facebook Follow on X/Twitter  X/Twitter Follow Podcast RSS  Podcast  RSS Follow on Instagram  Instagram Follow on TikTok  TikTok
  PDF Library   Believer's Authority   Heavenly Man, Yun   Torch + Sword   The Harvest   Faith Shoemaker's Vision   Daughter of Sacrifice
Something Funny... 2nd Page, Older Material
×






Menu / Home
Menu / Home

Impiyerno ay tunay,
napunta Ako roon!

ni Jennifer Perez

Ang patotoo ng isang 15 taong gulang na babae na lumaki sa isang Kristiyanong tahanan. Siya ay tumalikod sa Panginoon at nasumpungan ang sarili sa pagkagumon sa droga, namatay at napunta sa Impiyerno. Pinalad, binigyan ng ikalawang pagkakataon at misyon na bumalik at balaan ang mga napapahamak, tumatalikod,at nanlalamig sa pamamagitan ng isang napakahalagang mensahe.

PDF   DOC

(Isinalin mula sa Audio)
Pagpalain kayo ng Diyos mga kapatid, Nais kong buksan ninyo ang inyong Bibliya sa
Joel 2:28

" At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:”

Ang pangalan ko ay si Jennifer Perez at ako ay 15 taong gulang. Napakahirap para sa isang kabataang tulad ko na lumapit sa inyo at kilalanin ang aking mga sariling kamalian. Subalit sa tulong ng Banal na Espiritu, tutulungan Niya ako, at bibigyan ng lakas na kinakailangan ko. Una sa lahat nais kong sabihin na ito ay para sa Karangalan at Kaluwalhatian ng aking Panginoong HesuKristo. Ayaw kong magsalita ng anumang doktrina o katuruan, sasabihin ko lamang ang aking nakita, kung ano ang aking narinig, at kung ano ang aking naramdaman.

Nicky CruzNais kong sabihin sa inyo nang bahagya ang tungkol sa aking pamilya. Ang aking mga magulang ay mga Kristiyano, at lagi nila akong tinuturuan ng magagandang halimbawa, at ang daan ng Panginoon. Ako ay naging isang Kristiyano 3 taon nang nakalilipas, nang tanggapin ko ang Panginoon sa kapatid na Nicky Cruz. Ako ay lumakad sa mga landas ng Panginoon sa loob ng 2 taon. Subalit nang ako ay nagpasimula sa mataas na paaralan, nagpasimula akong maging rebelde at iniwan ko ang landas ng Panginoon. Ako ay rebelde sa aking mga magulang at ako ay nalulong sa droga o ipinagbabawal na gamot. Ang aking mga kaibigan ang nagturo sa akin ng mga bagay na iyon.

Akala ko ako ay isang Kristiyano, at maaakay ko ang aking mga kaibigan upang maging mga Kristiyano. Sa halip, ibinalik nila akong muli sa sanglibutan. Ako ay naging rebelde sa aking mga magulang, at ang akala nila ito ay pangkaraniwan lamang na dinaraanan ng isang kabataan sa aking gulang o edad. Subalit sa totoo lang, ito ang mga gawa ng droga sa akin. Mga masasamang espiritu ay nagpasukan sa akin, iyon ay nang ako ay naging rebelde sa kanila. Naghigpit sila sa akin, hindi nila ako pinahihintulutang lumabas, kahit na ang magpalipas ng gabi sa bahay ng isa sa aking mga kaibigan. Kinakailangan gawin ko ang lahat ng bagay nang pasalisi o kaya sa kanilang likuran. Ako ay naglalakuwatya sa paaralan. Bihira na lamang akong pumasok sa paaralan, upang gawin ang aking bisyo. Ako ay nasa punto na nagugumon na sa droga, subalit ako ay inalis ng Panginoon sa lahat ng mga ito. Tulad ng sinabi ko, ako ay isang Kristiyano.

Ang aking patotoo ay nagsimula noong ika-2 ng Mayo, 1997. Mayroon akong isang kaibigan, at kami ay magkaibigan lang, wala nang iba pa, at alam niya iyon. Ang akala ko ay kilala ko na siya, subalit ang totoo, hindi ko talaga siya kilala ng lubusan. Nang gabing iyon, tinawagan niya ako at nagtanong kung puede akong lumabas. Ang aking mga magulang ay wala sa bahay. Sila ay nasa isang pagpupulong sa pananalangin, tulad nang tuwing Biyernes. Sinabi ko sa kanila na gusto kong manatili sa bahay dahil masama ang aking pakiramdam. Nagalit din ako sa kanila dahil may mga plano akong lumabas nang gabing iyon kasama ang isa pang kaibigan, subalit hindi ako pinahintulan ng aking mga magulang. Kaya naki-usap akong maiwan sa bahay at pinayagan ako. Nang sila ay pumunta sa pagpupulong sa pananalangin, tumawag ang aking kaibigan. Sabi niya, “Bakit hindi ka lumabas, lahat naman ay lumalabas?” Inisip ko sa aking sarili, Ayaw kong maging suwail sa aking mga magulang, subalit siguro kung ako ay patagong-lalabas, hindi ito malalaman ng aking mga magulang”, kaya ganoon ang aking ginawa.

Noong gabing iyon nang umuwi ang aking mga magulang, at sila ay natulog. Ako ay handa nang tumakas palabas kaya tinawagan ko ang aking kaibigan at sinabi sa kanya na hintayin ako sa kanto ng aking kalye. Sinabi ko sa kanya na huwag dumaan sa tapat ng aking bahay, dahil baka magising ang aking mga magulang, at masira ang lahat. Kaya nilagay ko ang aking mga unan sa ilalim ng aking kumot at umakyat palabas ng aking bintana. Ako ay nakatira sa dalawang palapag na bahay, at lahat ng mga bintana ng aking bahay ay nakaturnilyong lahat. Subalit dahil sa pinagtitiwalaan ako ng aking mga magulang, ang aking mga bintana ay walang mga turnilyo, kaya sinamantala ko ang pagtitiwala ng aking mga magulang. Dahil sa ako ay nakatira sa dalawang palapag na bahay, ako ay tumalon mula sa bubong at bumagsak sa lupa. Pinaghandaan na ng Panginoon ang lahat, dahil maaari akong nabalian ng binti, at iyon ay pipigil sa lahat ng bagay na inihanda o pinlano sa akin ng Panginoon.

Ako ay naglakad sa kalsada, at ang aking kaibigan ay naroroon na. Subalit nang ako ay pumasok sa kotse, nakita ko ang 3 lalake at isa pang babae. Sinabi ko sa aking sarili, “Wala akong iba pang gagawin, oo, ako ay magpapakataas, kakarga ng droga, iinom”. Subalit nang may 3 lalake at isa pang babae natakot ako, maaaring pagsamantalahan nila ako. Subalit ako ay pumasok sa kotse, at umalis na kami. Noong una, nang ako ay nakikipag-usap sa aking kaibigan sa telepono, sinabi niya na kami ay mamamasyal lamang sa palibot ng bayan. Sabi ko, “Ok mukhang masaya iyan”, kaya ako ay sumama. Hindi ko akalain na dadalhin niya ako sa isang motel. Doon nila ako dinala.

Nang makarating kami roon, ibinaba nila ako sa isang silid-labahan, na pag-aari ng motel. Sinabihan kami na mag-antay doon, sinabi nila kakaunin nila ang isa pang kaibigan. Sabi ko ay Ok, subalit sa tingin ko umalis sila para umupa ng isang kwarto. Nang sila ay bumalik at kaunin kami, isinama nila kami sa silid na iyon. Sabi nila, “Huwag kayong mag-alala, magtiwala kayo sa amin! Wala tayong gagawing anuman, aantayin lang natin iyong isa pa naming kaibigan na dumating, at pagkatapos lahat tayo ay sama-samang aalis”. Kaya nagtiwala ako sa aking mga kaibigan, ang akala ko ay hindi nila ako sasaktan, subalit ang katotohanan hindi ko alam kung sino talaga ang aking mga tunay kaibigan.

Sa simula, kami ay nag-uusap lamang, kaya sabi ko, “Habang tayo ay naghihintay, bakit hindi tayo kumuha ng anumang ma-iinom?” Kaya ang aking kaibigan at ako ay umalis sa silid, at naglakad patungo rito sa isang maliit na kainan sa harap ng motel. Bumili kami ng tatlong Sprite at pagkatapos ay lumakad pabalik sa silid. Pinasimulan nilang ibuhos ang Sprite sa tatlong baso. Hindi sila nagdala ng isang bag o anumang bagay na mukhang kahina-hinala, na maaring magbigay sa akin ng hinala na may ilalagay silang anuman sa aking inumin, o gawan ako ng anumang bagay. Lahat ay pawang mukhang walang muwang.

Pumunta ako sa palikuran upang ayusin ang aking buhok at gawin ang mga bagay ng mga babae, at nang ako ay lumabas ang aking baso ay naihanda na. Naglagay ako ng ilang babol gam sa aking bibig, istroberi, at ininom ko ang akala ko ay ang aking Sprite. Pagkatapos nito, hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

Subalit nang ako ay nakakakita, naramdaman ko ang aking espiritu ay lumabas mula sa aking katawan. Ako ay nasa ospital na, nakita ko ang lahat ng mga doktor at mga nars nakapalibot sa akin. Nang ako ay nasa labas ng aking katawan, nakita ko ang aking katawan sa ibabaw ng higaan. Alam mo kung ano ang itsura mo sa pagtingin mo sa salamin, nakikita mo ang isang larawan. Subalit hindi ko nakita ang isang larawan ng aking sarili, nakita ko ang aking katawan doon sa ibabaw ng higaan. Nang ako ay pumihit nakakita ako ng dalawang lalaki nakadamit ng pula, “halika sa aming daan” at hinawakan nila ako, isa sa bawat braso.

Sinama nila ako sa isang lugar, at nang tignan ko upang makita kung nasaan ako, ito ay langit! Ang unang bagay na nakita ko ay isang napakalaking pader. Ito ay puti at napakalapad na walang katapusan. Sa gitna ng pader ay may isang pinto, isang mahabang pinto, subalit ito ay sarado.

Sa Lumang Tipan, si Moises ay nangusap tungkol sa Tabernakulo at isinalarawan ang mga bahagi nito. At naalala ko ito, at nakita ko ang pader na katulad nito. Sa tabi ng pintuan, mayroon doong isang malaking upuan, ay mayroon isang maliit na upuan sa gawing kanan. At sila ay tila baga yari sa ginto. Sa aking gawing kanan, mayroong isang malaking itim na pinto, ito ay napakadilim sa palibot, subalit alam ko na ito ay isang pinto dahil may bukasan. Ito ay napakapangit na pinto. Subalit sa aking gawing kaliwa ay isang paraiso, mayroong mga puno, isang malakristal na linaw na talon, damo. Ito talaga ay isang napakapayapang lugar, subalit walang sinuman ang naroon.

Ako ay tumingin at nakita ko ang Ama sa aking harapan, hindi ko makita ang Kanyang mukha, dahil ang Kanyang kaluwalhatian, ito ay napakalaki, napakaliwanag, ito ay nagliwanag at inilawan ang buong langit. Ang lahat ng bagay ay ginawang maliwanag nang Kanyang kaluwalhatian. Wala roong araw, walang buwan, walang mga bituin, Siya ang liwanag. Nakita ko nga ang Kanyang katawan, at ang Kanyang katawan ay kasama ang Anak, sila ay iisa sa loob ng bawat isa, sila ay magkasama, makikita mo ang kanilang pinaghihiwalayan, subalit sila’y iisa sa loob ng bawat isa, sila ay magkasama.

Sa tabi nila ay may dalawang anghel, Gabriel at Michael. Ang dahilan kaya alam ko ang pangalan nila dahil ito ay nakasulat sa mga noo nila sa Ginto.

Nang ako ay nasa harap ng Ama, napakarumi ng aking pakiramdam! Napaluhod ako at umiyak. Lubha akong nahihiya sa aking sarili. Habang ako ay naroon sa harap ng Panginoon, ipinakita Niya ang isang pelikula ng aking buhay, mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Sinabi Niya sa akin na ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko ay ang mga bagay na ginawa ko matapos akong maligtas. Sinabi ko sa aking mga kaibigan na ako ay isang Kristiyano, subalit sa totoo lang wala akong ipinakitang mga bunga. At sinabi Niya sa akin na ako ay nakatakda na mapunta sa Impiyerno.

Dumating ang anghel Gabriel at hinawakan ang aking braso. Dinala niya ako roon sa pangit at maitim na pintuan na ayaw ko man lamang tignan. Sinikap kong pigilan ang aking sarili, subalit ako ay nasa espiritu, at tumungo kami sa loob ng pintuan. Nang ako ay naroon sa kabilang bahagi ng pintuan, ito ay napakadilim sa buong paligid, ni hindi ko makita ang aking sarili. Pagkatapos nagpasimula kaming bumulusok nang napakatulin pababa, tulad ng isang karwaheng may mga gulong. Habang ako ay pabagsak nang pabagsak ito ay painit nang painit. Isinara ko ang aking mga mata, hindi ko gustong makita kung nasaan kami.

Nang kami ay huminto, binuksan ko ang aking mga mata, at ako ay nakatayo sa isang malaking landas. Hindi ko alam kung saan ito patungo. Subalit ang unang bagay na aking naramdaman doon ay pagka-uhaw. Ako ay talagang uhaw na uhaw! Patuloy kong sinasabi sa anghel “Ako’y nauuhaw, Ako’y nauuhaw” Subalit parang hindi niya ako narinig. Nagpasimula akong umiyak, at nang ang aking mga luha ay umabot sa aking mga pisngi, sila ay lubusang natuyo. Naroon ang amoy ng asupre, tulad nang nasusunog na mga gulong. Sinikap kong takpan ang aking ilong, subalit iyon ay lalong nagpalala. Lahat ng aking 5 pandama ay napaka sensitibo. Kapag tinangka kong takpan ang aking sarili, naaamoy ko ang asupre nang higit. Isa pa, lahat ng maliit na balahibo sa aking mga braso, sila ay nangawala. Naramdaman ko ang lahat ng init, ito ay napaka-init.

Nang ako ay nagpasimulang tumingin sa palibot, nakita ko ang mga taong pinahihirapan ng mga demonyo. Mayroon doong isang ginang na nagdurusa, isang demonyo ang nagpapahirap sa kanya. Pinuputol ng demonyong ito ang kanyang ulo at sa pamamagitan ng kanyang mahabang sibat sinasaksak niya siya kahit saan. Wala siyang paki-alam. Sa kanyang mga mata, sa kanyang katawan, sa kanyang mga paa, sa kanyang mga kamay, wala siyang paki-alam. Pagkatapos muli niyang ibabalik ang kanyang ulo sa ibabaw ng kanyang katawan at sasaksakin siya nang sasaksakin. Siya ay umiiyak na may hiyaw nang paghihirap.

Pagkatapos nakakita pa ako ng isa pang demonyo, itong demonyong ito ay pinahihirapan ang isang kabataan na may gulang na 21-23. Ang binatang ito ay may tanikala sa kanyang leeg, at nakatayo sa harap ng isang hukay na apoy. Ang demonyong ito ay sasaksakin siya kahit saan ng isang mahabang sibat, sa kanyang mga mata, kahit saan. Pagkatapos, dadakmain siya ng demonyo sa kanyang buhok at sa pamamagitan ng mga kadena itatapon niya ang taong ito sa loob ng hukay na apoy na ito, pagkatapos aalisin siyang palabas at sasaksakin siya ng sasaksakin. Ito ay magpapatuloy, at sa tuwing siya ay napupunta sa loob ng hukay na iyon, hindi ko marinig ang kanyang mga hiyaw, subalit kapag nilalabas siya ng demonyo, siya ay humihiyaw sa hirap. Sinikap kong takpan ang aking mga tainga dahil ang mga tunog ay nakapangingilabot, subalit nakaririnig pa rin ako. Ang aking pandinig ay higit na sensitibo.

Tumingin ako sa isa pang demonyo, at ang demonyong ito ay pangit, ang 2 nauna ay mga pangit din, subalit ang isa na ito ang pinakapangit. Siya ay may katangian ng ibat-ibang uri ng mga hayop, ni hindi ko ito kayang ipaliwanag sa mga salita. Siya ay palibot-libot at nananakot ng tao, at ang mga tao ay talagang natatakot.

At pagkatapos nakakita pa ako ng isa pang demonyo, subalit ang demonyong ito ay isang magandang demonyo, siya ay nagmumukhang anghel ng Diyos, subalit siya ay hindi. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga anghel ng Diyos at ng mga demonyo, ay hindi isinulat ng Diyos ang kanilang mga pangalan sa kanilang mga noo, subalit ang mga anghel ng Diyos ay sinulatan.

Pagkatapos noon, Ako ay lumingon sa anghel Gabriel, at siya ay nakatingin sa taas. Ang akala ko ay ayaw niyang makitang pinahihirapan ang iba. Inisip ko sa aking sarili, “bakit siya ay naririto pa? Hindi ba dapat ako ay naroong naghihintay para isunod sa pahihirapan?” Ako rin ay nauuhaw. At ako ay umiyak sa anghel, “Ako’y nauuhaw, Ako’y nauuhaw!”, Sa palagay ko ay narinig niya ako dahil tumingin siyang pababa sa akin, at sinabi niya, “bibigyan ka pa ng Panginoon ng isa pang pagkakataon.”

Agad-agad nang sabihin niya iyon, lahat nang aking pagkauhaw, lahat ng aking paghihirap, lahat ng aking kirot, ay bigla na lang naglaho. Pumayapa ang aking pakiramdam. At pagkatapos ay hinawakan niya ako sa aking kamay at kami ay handa nang tumaas, subalit biglang may narinig akong tumatawag sa aking pangalan, “Jennifer, Tulungan mo ako, Tulungan mo ako!” Tumingin ako pababa. Gusto kong makita kung sino siya, subalit nang magawa ko ang lagablab ng mga apoy ay tinakpan ang kanilang mga mukha. Ito ay kasing tunog ng tinig ng isang batang babae. Ang nakikita ko lamang ay ang kanyang mga kamay na naka-abot, nagnanasang tulungan ko siya. Mayroon akong ganoong pagnanasa, isang pagnanasang tulungan siya. Nang subukan ko, hindi ko kaya, sapagkat ang aking kamay ay lumagos lamang sa kanya. Nais ko talaga siyang tulungan, subalit makita mo, wala na talaga siyang kahit na anong pag-asa. Hindi ko na siya matutulungan.

At pagkatapos tumingin ako sa palibot at nakita ko ang aking mga kaibigan, mga taong kakilala ko, at iba pang mga tao. Sila ay mukhang pamilyar pero hindi ko alam kung sino sila. Hindi ko alam ang kanilang mga buhay, subalit nang makita ko ang aking mga kaibigan mula sa aking paaralan doon, nasaktan ako!.. Na isip ko sa aking sarili, “marahil ay dahil sa masama kong patotoo na ipinapakita sa kanila, na sinasabi kong ako’y isang Kristiyano subalit tumatalikod, gumawa ito sa kanila upang hindi kilalanin ang tungkol sa Diyos, at lumayo sa Kanya. Marahil ako ang nagdala sa kanila roon”. Iyon ang iniisip ko. Nakita ko na sa Impiyerno ay walang oras, walang nakalipas, kasalukuyan, hinaharap, lahat ng bagay ay pare-pareho, sila ay nakatalagang mapunta roon. Subalit kagaya ng sinabi ko nang una, ayaw kong gumawa ng isang katuruan o anumang doctrina, subalit iyon ang nakita ko roon. Ang mga taong nakita ko roon ay buhay pa hanggang ngayon.

Pagkatapos dinala akong muli ng anghel sa presensya ng Diyos. Nang ako ay nakaharap sa Kanya ako ay nakaluhod iyak nang iyak. Hindi ko pa rin gustong tumingin sa Kanyang mukha, dahil nahihiya ako sa aking sarili. Subalit ang Panginoon, na may ganoong kalambingan sa Kanyang tinig sinabi, Minamahal kita Tulad nang pagmamahal Niya sa iyo na nakikinig sa akin. Subalit sinabi Niya ito sa akin nang tuwiran. Sinabi Niya na pinatatawad na Niya ako sa lahat ng bagay na aking ginawa na nakasakit sa Kanyang kalooban. Pinatawad Niya ako.

Tinignan ako ng Diyos at ipinakita Niya sa akin ang maraming bagay. Ipinakita Niya sa akin ang daigdig, ang mundo. Sa palibot ng mundo nakita ko ang isang malambot na bagay, tulad ng hanay ng ozone, ito ay nakapalibot sa mundo, at mukha itong napakalambot, at nagkaroon ako nang isang pagnanasa na hipuin ito. Nang hipuin ko ito, natanto ko na ito pala ang Banal na Espiritu, dahil binautismuhan ako nito, at nagpasimula akong magsalita sa ibang mga wika.

Sa mga oras na iyon, tumingin ako pataas at maraming masasamang espiritu ang lumabas sa akin. Noong ako ay pumapailanlang o tinatamaan sa paggamit ng mga droga, ginugulo nito ang aking pag-iisip at nagbubukas ng mga pinto, at ang mga masasamang espiritu na ito at papasok sa akin. Papahirapan nila ako. Ang paraan ng aking mga kinikilos ay hindi talaga ako, ito ay ang mga masasamang espiritu na nasa loob ko. Sa Salita ng Diyos sinasabi na kapag ang iyong bahay ay nalinis, ang mga masasamang espiritu ay magtatangkang bumalik kasama ang 7 iba pang masasamang espiritu. Ang aking bahay ay nalinis nang ako ay naligtas. At nakita ko ang masasamang espiritu na ito nang ako ay binabautismuhan, mayroon silang 7, at sila ay mayroon iba pang 7, at mayroon pa rin silang iba pang 7, at hindi ko na kayang bilangin pa silang lahat! Subalit nilinis ako ng Panginoon sa lahat ng masasamang espiritu na iyon.

Ipinakita rin Niya sa akin ang hinaharap. Ipinakita Niya sa akin ang Mundo at kung paano ang mga bagay-bagay magaganap, mga pangyayari na magaganap. Ang pangitain na ibinigay sa akin ay mula ngayon hanggang sa ‘rapture’ o pagdagit. Hindi Niya ipinakita sa akin ang pagdagit, subalit ipinakita Niya sa akin ang mga bagay na magaganap bago iyon. Bawat araw tayo ay papalapit nang papalapit, at sinasabi ko sa iyo na ang pagdagit ay malapit na! Kinakailangan mong siyasatin ang iyong sarili, ang iyong buhay, at tanungin mo ang iyong sarili, “ako ba ay handa nang sumama sa Panginoon?” Ipinakita ito sa akin ng Panginoon, subalit sinabi Niya sa akin na huwag ipagsabi kanino man, subalit mag-antay at magmatyag na ang wakas ay malapit na, ayaw kong subukin ang Diyos, kaya ito ang dahilan kung bakit hindi ko sasabihin sa iyo ang aking nakita. Subalit sinasabi ko sa iyo at binabalaan kita na ang pagdagit ay malapit na.

Binasa ko sa Joel 2:28, ito ang isa sa mga pinakuhing hula, lahat sila ay naganap na. Ang hulang ito ang tanging hindi pa nagaganap, at sinasabi ko sa iyo ngayon ito ay ginaganap. Maraming kabataan ang tumitindig at nangangaral ng Salita ng Diyos. Ang diablo ay nais gumawa ng hukbo ng mga kabataan, subalit higit na makapangyarihan ang Panginoon. At kung talagang tatanggapin mo ang Panginoon at naisin Siya’y paglingkuran, bibigyan ka Niya ng lakas na mapagtagumpayan and diablo, upang maipahayag mo ang salita sa buong mundo, tulad nang Kanyang iniutos sa Bibliya.

Sinabi Niya sa akin na ako ay may isang misyon o tungkulin, at ang tungkuling ito ay sabihan ang lahat ng kabataan patungkol sa aking pangitain. Kahit na ayaw kong gawin ito, ito ay isang utos na ibinigay sa akin ng Panginoon, at tatapusin ko ito.

Nang ako ay bumalik sa aking katawan, nagising ako at nakita ko ang aking sarili sa loob ng Ospital. Ako’y tumingin sa palibot at nakita ko ang mga swero sa aking mga braso, mga bagay na sumisiyasat sa aking puso, mga tubo. Mayamaya ang aking mga magulang ay pumasok sa loob at nagpasimula akong umiyak. Mukha silang galit na galit, subalit sinabi sa aking ng Panginoon na sabihin sa kanila ang lahat, at iyon ang aking ginawa. Sinabi ko sa kanila ang lahat.

Nang ang nars ay pumasok sa loob, sinabi niya sa amin na sila ay lubhang alalang-alala sa akin. Sinabi niya na ako raw ay nawawala at pagkatapos ay babalik muli, pagkatapos nawawala at bumabalik muli. Ako ay nawawalan ng malay at pagkatapos muling nagkakamalay. Ito ay tatlong beses nangyari. Sinabi nila na isa sa mga pagkakataong iyon, ayaw ko nang bumalik, at sila ay nag-alala sa akin. Sinabi rin nila na bula ay lumalabas sa aking bibig, at nagsasalita ako ng mga salita na hindi nila maintindihan.

Sa gabi ring iyon, ang aking nanay ay nagkakaroon ng masasamang panaginip. Ang tuta na kasama ko sa pagtulog ay pumunta sa silid ng aking mga magulang at kinamot ang braso ng aking nanay at sinikap na siya ay gisingin. Nang siya ay nagising, tumungo siya sa aking silid at nakita ang mga unan naka-ayos doon. Ang akala niya ako ay naroroon kaya naglakad siyang pabalik sa kanyang silid. Pagkatapos nakita niya ang mga ilaw ng pulis sa labas ng bintana. Nang siya ay tumingin sa labas ng bintana, nakita niya ang mga pulis naglalakad patungo sa aming bahay kaya ginising niya ang aking tatay. Sinabi ng pulis sa kanila na tumawag sa tanggapan ng pulisya upang malaman ang tungkol sa akin. Napag-alaman ng aking mga magulang na ako ay lasing na lasing sa Ospital. Sa mga oras na iyon, ang Panginoon ay nangusap sa aking tatay at sinabi sa kanya na huwag mag-alala, sapagkat ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay, kaya hindi nag-alala ang aking tatay. Gumugol ako ng tatlong araw sa ospital.

Pagkalipas ng isang linggo kinausap namin ang mga tiktik o detektib, at sinabi nila sa amin ang tungkol sa gabing iyon. Sinabi nila na ang isa pang babae na kasama ko ay hindi rin dapat lumabas nang gabing iyon, at ang kanyang tatay ay lubhang nag-aalala. Siya ay lumabas upang hanapin siya, nagmaneho pa-ikot-ikot, subalit hindi siya makita. Kaya pumunta siya sa tanggapan ng pulisya, at sinabi ng pulis kung anong uri ng kotse ang minamaneho ng aking kaibigan sa lahat ng mga pulis na nagpapatrolya sa kotse. Isang opisyal ng pulis na nakapahinga, ay nasa kabilang bahagi ng kalsada ng isang tindahan ng sasakyan. Naghahanap siya ng isang gamit nang sasakyan upang bilhin. Siya ay napalingon at nakita niya ang sasakyan ng aking kaibigan, kaya tumawag siya sa pulis.

Nang pumunta ang pulis upang magsiyasat, ang kotse ng aking kaibigan ay pinarada sa ibang lugar, kaya hindi nila alam kung nasaan siya. Kami ay nasa ikalawang palapag sa sulok na silid. Nais nang pulis na magsimula sa silid na iyon, at maglakad pababa para magsiyasat sa bawat silid, nagtatanong kung sino ang may-ari ng kotse sa labas. Hindi nila hinahanap ang babae, hinahanap lang nila ang may-ari ng sasakyan.

Nang sila ay kumatok sa aming pintuan, binuksan nila ang pinto at nakita ako sa sahig. Subalit sila ay umalis. Ang aking naturingang mga kaibigan nag-akala na hindi na babalik ang mga pulis, subalit ang tutoo sila ay umalis upang kumuha ng ambulansya. Mayamaya nagdatingan pa ang iba pang pulis doon upang malaman kung ano ang nangyayari. Nang buksan nila ang pinto, sa mga tagpong iyon, ang aking kaibigan, ang isa na iyon na aking sinasabi, na aking pinagtitiwalaan, siya ay nasa punto na ako ay halayin. Subalit ginamit ng Diyos ang mga pulis upang mapigilan ang lahat ng mga bagay na iyon, at wala silang ginawa sa akin na anuman. Iyon ang dahilan kaya ko pinapasalamatan ang Panginoon, dahil ako’y Kanyang kinahabagan.

At gayon din sa mga panalangin ng aking mga magulang, ako ay nangungusap sa inyo mga magulang. Huwag kayong hihinto sa pananalangin para sa inyong anak. Kung sila ay hindi lumalakad kasama ang Panginoon, patuloy kayong manalangin para sa kanila, huwag kayong hihinto. Ang aking mga magulang ay hindi huminto, at nakikita mo kung nasaan ako ngayon, nangangaral ng Salita ng Diyos; sinasabihan ang mga kabataan na maglingkod sa Diyos, dahil kailangan nila Siya.

At nais kong magbigay ng isang mensahe para sa lahat ng kabataan, nais ko na isipin mo ang iyong sarili, siyasatin mo ang iyong sarili. Mag-isip, bakit ako dapat mag-alala sa sasabihin ng iba pa tungkol sa akin. Ako noon’y madalas na nag-iisip kung ano ang sasabihin sa akin ng ibang tao, subalit ngayon naunawaan ko na hindi naman sila nagmamalasakit sa akin. Wala naman sila roon kapag ako ay humarap sa Panginoon. Naalala ko nang ako ay nasa harap ng Panginoon, ang aking kaibigan ay wala roon upang tulungan ako, ang aking pamilya ay wala roon upang tulungan ako, ang aking pastor, ang aking simbahan ay wala roon upang tulungan ako. Ako lamang ang naroroon, at kailangan kong ipagtanggol ang aking sarili. Sa harapan Niya ay hindi ka makapagsisinungaling, dahil siya ay napaka banal. At noong ako ay naroroon hindi ko nararamdaman na ako ay kabilang doon, dahil ako ay nasa kasalanan at sa Langit ito ay banal.

Sinasabi ko sa iyo ngayon na kung hindi mo pa tinatanggap ang Panginoong Hesus, gawin mong tanggapin Siya ngayon. Ito ang pinakamahalagang desisyon sa iyong buong buhay. Sinasabi ko sa iyo ang lahat ng ito upang magkaroon ka ng kasiguruhan sa Langit, upang makita mo ang kahabagan at pag-ibig na mayroon Siya para sa atin. Siya ang Ama, pinadala ang Kanyang Anak upang mamatay para sa atin. Kaya sa bawat maliit na patak ng dugo na nabuhos ay magpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Kung nais mong tanggapin ang Panginoon, ito ang pinakamahalagang desisyon sa iyong buhay. Lumapit tayo sa Panginoon, huwag mong alalahanin ang sasabihin ng iba patungkol sa iyo.

Kung nais mong maglingkod sa Panginoon, gawin mo ito ng buong puso, huwag lang sa iyong bibig, sabihin mo ito kasama ang iyong puso at isipan. Huwag mong alalahanin ang kinabukasan, alalahanin mo ang tungkol sa ngayon, hindi mo alam kung kailan ka mamamatay. Ako ay 15 taong gulang lamang at sa aking isipan hindi sumagi sa isipan ko na ako ay mamamatay sa gulang na 15 taon, hindi.

Subalit kailangan mong isipin ang mga bagay na iyan. Ang buhay ko ay hindi sa akin, ang buhay mo ay hindi sa iyo, hinihiram lang natin ang ating mga buhay, ang ating mga buhay ay para sa Diyos. Sinasamantala natin ito sa pamamagitan ng hindi pag-aalala, sa pamamagitan ng paglalakbay sa mundo, sa pamamagitan ng paggawa sa mga bagay ng mundo. Ang mundo ay maraming bagay na inaalok, subalit tandaan mo na lalong higit ang mga bagay na inaalok ng Diyos. Ang mundo ay mayroong impiyerno at kamatayan, subalit ang Diyos ay may buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay magpakailan-kailan pa man.

Sa oras na ito kung nais mong tanggapin ang Panginoon, nais kong ikaw ay yumuko at ipikit ang iyong mga mata,

"Panginoong Diyos, sa pangalan ni Hesus ako ay lumalapit sa iyo, O aking Panginoong Diyos sa sandaling ito nais kong tanggapin Ka bilang aking Tagapagligtas, nais ko na Ikaw ay pumasok sa aking buhay. Tulad nang sinabi ng kapatid sa kanyang patotoo na ang impiyerno ay tunay, napunta siya roon. Panginoong Diyos, ayaw kong pumunta roon, kahit sa isipan ayaw kong pumunta roon. Panginoong Diyos hinihiling ko sa Iyo na patawarin mo ako sa lahat ng mga kasalan na aking ginawa. Patawarin Mo ako sa lahat ng aking ginawa. Bawat maliliit na lihim na kasalanan, aking Panginoong Diyos, ipinapahayag ko sila sa Iyo, kaya patawarin mo ako sa lahat nang iyon. Panginoong Diyos nananalig ako na ikaw ay namatay sa krus at Ikaw ay muling nabuhay mula sa mga patay. Nananalig ako na ikaw ay pupunta sa aking puso at maghahari ka sa aking puso, at mananahan sa aking puso. Babasahin ko ang Iyong Salita, at ako ay mananatili sa Iyong Salita. Ako ay pupunta sa bahay panalanginan, aking Panginoong Diyos dahil alam ko na Ikaw ay naroon sa bahay panalanginan. Sinabi Mo na kapag may dalawa o tatlo na nagtitipon, Ikaw ay naroon. Aking Panginoong Diyos nais kong naroon kung nasaan Ka. Dalangin ko ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus, Amen"

Kung nagdasal ka sa pamamagitan ng panalanging ito, nais kong batiin ka sa pagpasok mo Kaharian ng Langit. Ngayon ikaw ay mayroong mga kapatid na lalake at babae sa buong mundo. Ito ang pinakamahalagan desisyon na kailanma’y iyong ginawa kaya huwag mo itong pagsamantalahan o abusuhin. Huwag kang bumalik sa mundo. Ang mundo ay patungo sa kamatayan, subalit ang Diyos ay patungo sa buhay na walang hanggan. Sa bawat sandali dapat kang mamuhay na parang ito na ang huling araw, at huling oras ng iyong buhay. Kung ang patotoo na ito ay hinipo ang iyong puso, ibigay mo ito sa isang kaibigan, upang sila man ay makatanggap sa Diyos sa kanilang puso. Huwag mong pabayaan ang oras na ito ay lumipas, dahil maaaring ito na ang iyong huling oras.

Impiyerno ay tunay, napunta Ako roon!
ni Jennifer Perez

Isinalin sa Tagalog:Reyn Araullo
Email:pastorrey@gmail.com
Ika-10 ng Enero, 2008